Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Timoteo 3:1-7

2 Timoteo 3:1-7 ASND

Tandaan mo ito: Magiging mahirap ang mga huling araw, dahil magiging makasarili ang mga tao, sakim sa salapi, mayabang, mapagmataas, mapang-insulto, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, at hindi makadios. Ayaw nilang makipagkasundo sa kaaway nila, malupit, walang awa, mapanira sa kapwa, walang pagpipigil sa sarili, at galit sa anumang mabuti. Hindi lang iyan, mga taksil sila, mapusok, mapagmataas, mahilig sa kalayawan sa halip na maibigin sa Dios. Ipinapakita nilang makadios sila pero hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa buhay nila. Iwasan mo ang mga taong ganito. May ilan sa kanilang gumagawa ng paraan para makapasok sa mga tahanan at manloko ng mga babaeng mahihina ang loob, na lulong na sa kasalanan at alipin ng sari-saring pagnanasa. Nais laging matuto ng mga babaeng ito, pero hindi nila mauunawaan ang katotohanan kailanman.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 2 Timoteo 3:1-7