Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Tesalonica 1:1-3

2 Tesalonica 1:1-3 ASND

Mula kay Pablo, kasama sina Silas at Timoteo. Mahal kong mga kapatid sa iglesya diyan sa Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Mga kapatid, lagi kaming nagpapasalamat sa Dios dahil sa inyo. Nararapat lang na gawin namin ito, dahil patuloy na lumalago ang pananampalataya nʼyo kay Cristo at pagmamahalan sa isaʼt isa.