Nang umuwi si David para basbasan ang sambahayan niya, sinalubong siya ni Mical na anak ni Saul at kinutya, “Napakadakila ng araw na ito para sa kagalang-galang na hari ng Israel! Sumasayaw kang halos hubad na, sa harap ng mga babaeng alipin ng mga opisyal mo, hindi ka man lang nahiya!” Sinabi ni David kay Mical, “Ginawa ko iyon sa presensya ng PANGINOON na pumili sa akin kapalit ng iyong ama o ng kahit sino pa sa angkan niya. Pinili niya akong mamahala sa mga mamamayan niyang Israelita kaya ipagpapatuloy ko ang pagsasaya sa presensya ng PANGINOON. At kahit na nakakahiya pa ang gagawin ko para sa pagdiriwang ng PANGINOON, gagawin ko pa rin ito. Kahiya-hiya ako sa paningin mo pero marangal ako sa paningin ng mga babaeng alipin na sinasabi mo.” Dahil dito, hindi nagkaanak si Mical hanggang sa mamatay siya.
Basahin 2 Samuel 6
Makinig sa 2 Samuel 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Samuel 6:20-23
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas