Pagkatapos, sinabi ni Isaias kay Hezekia, “Pakinggan mo ang mensahe ng PANGINOON: Darating ang panahon na dadalhin sa Babilonia ang lahat ng kayamanan sa palasyo mo, pati ang lahat ng naipon ng mga ninuno mo na nariyan pa hanggang ngayon. Walang matitira, sabi ng PANGINOON. At ang iba sa mga susunod na lahi mo ay bibihagin at magiging alipin sa palasyo ng hari ng Babilonia.” Ang akala ni Hezekia ay hindi pa mangyayari iyon, kundi magiging mapayapa at walang panganib sa kapanahunan niya. Kaya sinabi niya kay Isaias, “Maganda ang mensaheng iyon ng PANGINOON na sinabi mo sa akin.”
Basahin 2 Hari 20
Makinig sa 2 Hari 20
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Hari 20:16-19
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas