Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Hari 2:19-25

2 Hari 2:19-25 ASND

Ang mga tao sa lungsod ng Jerico ay nagsabi kay Eliseo, “Ginoo, nakita naman po ninyo na mabuti ang kinatatayuan ng aming lugar, pero marumi ang tubig at hindi tinutubuan ng pananim ang lupa.” Sinabi ni Eliseo, “Dalhan ninyo ako ng bagong mangkok at lagyan ito ng asin.” Kaya siyaʼy dinalhan nila nito. Pumunta siya sa bukal at inihagis doon ang asin at sinabi, “Ito ang sinasabi ng PANGINOON: Lilinis ang tubig na ito. At mula ngayon, hindi na ito magiging sanhi ng kamatayan o hindi pagtubo ng mga pananim.” Mula noon, naging malinis na ang tubig, ayon sa sinabi ni Eliseo na mangyayari. Umalis si Eliseo sa Jerico at pumunta sa Betel. Habang naglalakad siya sa daan, may mga kabataan na nanggaling sa isang bayan at ininsulto siya. Sinabi nila, “Umakyat ka, panot! Umakyat ka, panot!” Lumingon si Eliseo, tinitigan niya ang mga ito at isinumpa sa pangalan ng PANGINOON. Pagkatapos, may dalawang babaeng oso na lumabas galing sa gubat at pinagluray-luray ang 42 kabataan. Mula roon, pumunta si Eliseo sa Bundok ng Carmel at pagkatapos ay bumalik siya sa Samaria.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 2 Hari 2:19-25

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya