2 Mga Taga-Corinto 7:8-13
2 Mga Taga-Corinto 7:8-13 ASD
Kahit na nagdulot sa inyo ng kalungkutan ang aking sulat, hindi ko ito pinagsisisihan. Nagsisi ako noong una dahil nakita kong pinalungkot kayo ng aking sulat, ngunit panandalian lamang iyon. Ngunit masaya ako ngayon, hindi dahil malungkot kayo, kundi dahil naging paraan iyon para magsisi kayo. At iyan nga ang nais ng Diyos na mangyari, kaya hindi nakasamâ sa inyo ang aking mga sinulat. Sapagkat ang kalungkutang naaayon sa kalooban ng Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabagong patungo sa kaligtasan. Hindi pinagsisisihan ang kalungkutang iyon. Subalit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan. Tingnan ninyo ang idinulot nitong kalungkutang naaayon sa kalooban ng Diyos! Nagsumikap kayong patunayan na wala kayong kasalanan. Galit kayo sa ginawang pagkakasala at natakot sa idudulot nito. Kayo ay sabik, masigasig at handang-handang itaguyod ang katarungan. Pinatunayan din ninyo sa lahat ng paraan na wala kayong kinalaman sa pagkakasalang iyon. Ang dahilan ng pagsulat ko ay hindi upang tuligsain ang nagkasala o ipagtanggol ang ginawan niya ng kasalanan, kundi upang maipakita ninyo sa presensya ng Diyos kung gaano kayo katapat sa amin. At dahil dito, pinalakas na ninyo ang aming loob. At lalo pa kaming sumigla nang makita naming masaya si Tito dahil sa kasiyahang naranasan niya sa inyong piling.




