Naging matatag ang paghahari ni Solomon na anak ni David sa kaharian niya dahil kasama niya ang PANGINOON na kanyang Dios, at siyaʼy ginawa niyang makapangyarihan. Nakipag-usap si Solomon sa lahat ng mga Israelita – sa mga kumander ng mga libu-libo at daan-daang mga sundalo, sa mga hukom, sa lahat ng pinuno ng Israel, at sa mga pinuno ng mga pamilya. Pagkatapos, umalis si Solomon at ang lahat ng tao papuntang sambahan sa matataas na lugar sa Gibeon, dahil naroon ang Toldang Tipanan ng Dios. Ang toldang ito ay ang ipinagawa ni Moises na lingkod ng PANGINOON sa disyerto. Nang panahong iyon, nailipat na ni David ang Kahon ng Kasunduan ng Dios mula sa Kiriat Jearim papunta sa toldang inihanda niya para rito, doon sa Jerusalem. Ngunit ang tansong altar na ginawa ni Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur ay naroon pa sa Gibeon sa harap ng Tolda ng PANGINOON. Kaya doon nagtipon si Solomon at ang lahat ng tao para magtanong sa PANGINOON. Pagkatapos, umakyat si Solomon sa tansong altar sa presensya ng PANGINOON sa Toldang Tipanan, at naghandog siya ng 1,000 handog na sinusunog.
Basahin 2 Cronica 1
Makinig sa 2 Cronica 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Cronica 1:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas