Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Samuel 5:3-4

1 Samuel 5:3-4 ASND

Kinaumagahan, nakita ng mga taga-Ashdod ang rebulto ni Dagon na nakasubsob na sa harap ng Kahon ng PANGINOON. Itinayo nila ito at ibinalik sa dating posisyon. Pero kinaumagahan, nakita ulit nila na nakasubsob ang rebulto sa harap ng Kahon ng PANGINOON. Ang ulo at ang dalawang kamay nito ay putol na, at nakakalat sa bandang pintuan; katawan lang nito ang natirang buo.