Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Samuel 23:1-5

1 Samuel 23:1-5 ASND

Isang araw ibinalita kay David na sinasalakay ng mga Filisteo ang Keila at sinasamsam ang mga trigo sa giikan. Nagtanong si David sa PANGINOON, “Sasalakayin ko po ba ang mga Filisteo?” Sumagot ang PANGINOON, “Sige, salakayin mo sila at iligtas mo ang Keila.” Pero sinabi ng mga tauhan ni David, “Dito pa nga lang po sa Juda ay natatakot na kami, lalo pa kaya kung pupunta kami sa Keila para makipaglaban sa mga Filisteo.” Muling nagtanong si David sa PANGINOON, at sinabi ng PANGINOON, “Pumunta ka sa Keila dahil pagtatagumpayin ko kayo laban sa Filisteo.” Kaya pumunta si David at ang mga tauhan niya sa Keila para makipaglaban sa mga Filisteo. Maraming Filisteo ang napatay nila; kinuha nila ang mga hayop nito at nailigtas nila ang mga taga-Keila.