At nanalangin si Hanna, “Nagagalak ako sa PANGINOON! Dahil sa kanyang ginawa, hindi na ako mahihiya. Tinatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway. Nagagalak ako sa pagliligtas niya sa akin. Walang ibang banal maliban sa PANGINOON. Wala siyang katulad. Walang Bato na kanlungan tulad ng ating Dios. Walang sinumang makapagyayabang dahil alam ng PANGINOONG Dios ang lahat ng bagay, at hinahatulan niya ang mga gawa ng tao. Nililipol niya ang mga makapangyarihan, ngunit pinalalakas niya ang mahihina. Ang mayayaman noon, ngayon ay nagtatrabaho para lang may makain. Ngunit ang mahihirap noon ay sagana na ngayon. Ang dating baog ay marami nang anak. Ngunit ang may maraming anak ay nawalan ng mga ito. May kapangyarihan ang PANGINOON na patayin o buhayin ang tao. May kapangyarihan siyang ilagay sila sa lugar ng mga patay o kunin sila roon. Ang PANGINOON ang nagpapadukha at nagpapayaman. Itinataas niya ang iba at ang iba naman ay kanyang ibinababa. Ibinabangon niya ang mga mahihirap sa kanilang kahirapan. Pinapaupo niya sila kasama ng mga maharlika at pinararangalan. Sa kanya ang pundasyon na kinatatayuan ng mundo. Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan. Ngunit lilipulin niya ang masasama. Walang sinumang magtatagumpay sa pamamagitan ng sarili niyang kalakasan. Dudurugin niya ang kanyang mga kaaway. Padadagundungin niya ang langit laban sa kanila. Ang PANGINOON ang hahatol sa buong mundo. Dahil sa kanya, magiging makapangyarihan at laging magtatagumpay ang haring kanyang hinirang.” Pagkatapos, umuwi si Elkana at ang sambahayan niya sa Rama. Pero iniwan nila si Samuel para maglingkod sa PANGINOON sa ilalim ng pangangalaga ni Eli na pari.
Basahin 1 Samuel 2
Makinig sa 1 Samuel 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Samuel 2:1-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas