Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Pedro 1:1-8

1 Pedro 1:1-8 ASD

Mula kay Pedro na apostol ni Hesu-Kristo, Sa mga naninirahan bilang mga dayuhan at nangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia, na pinili ng Diyos Ama ayon sa kanyang layunin noon pa at pinabanal ng Espiritu, upang sundin si Hesu-Kristo at linisin sa mga kasalanan ninyo sa pamamagitan ng kanyang dugo. Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan. Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa dakilang awa niya sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may inihandang mana ang Diyos para sa atin. Ang pamanang itoʼy nasa langit, walang kapintasan, hindi nasisira, at hindi kumukupas. At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang naghihintay kayo ng kaligtasan na nakalaang ihayag sa huling panahon. Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan, upang masubukan kung talagang tunay ang pananampalataya ninyo. Katulad ng ginto, sinusubok ito sa apoy upang malaman kung tunay o hindi. Ngunit mas mahalaga ang pananampalataya natin kaysa sa ginto na nasisira. Kaya kapag napatunayang tunay ang pananampalataya nʼyo, papupurihan kayoʼt pararangalan pagdating ni Hesu-Kristo. Kahit hindi nʼyo siya nakita ay mahal nʼyo siya, at kahit hindi pa ninyo siya nakikita hanggang ngayon, sumasampalataya pa rin kayo sa kanya. At nag-uumapaw ang inyong kagalakan na hindi kayang ilarawan sa salita