Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Hari 19:5-9

1 Hari 19:5-9 ASND

Pagkatapos, humiga siya sa ilalim ng punongkahoy, at nakatulog. Biglang may anghel na kumalabit sa kanya at sinabi, “Bumangon ka at kumain.” Pagdilat niya, may nakita siyang tinapay sa ulunan niya, na niluto sa mainit na bato, at tubig na nakalagay sa sisidlan. Kumain siya at uminom, at nahigang muli. Muling bumalik ang anghel ng PANGINOON, kinalabit si Elias at sinabi, “Bumangon ka at kumain, dahil malayo pa ang iyong lalakbayin.” Kaya bumangon si Elias, kumain, at uminom. Pinalakas siya ng kanyang kinain, at naglakbay siya sa loob ng 40 araw at 40 gabi, hanggang makarating siya sa Horeb, ang bundok ng Dios. Pumasok siya sa isang kweba at doon natulog kinagabihan.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya