Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Hari 19:11-13

1 Hari 19:11-13 ASND

Nagsalita ang PANGINOON, “Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa aking presensya, dahil dadaan ako.” Pagkatapos, may dumaan na napakalakas na hangin, na bumitak sa mga bundok at dumurog sa mga bato, pero wala ang PANGINOON sa hangin. Pagkatapos ng hangin, lumindol, pero wala rin ang PANGINOON sa lindol. Pagkatapos ng lindol, may apoy na dumating, pero wala pa rin ang PANGINOON sa apoy. Pagkatapos ng apoy, may narinig siyang tinig na parang bulong. Nang marinig ito ni Elias, nagtakip siya ng kanyang mukha gamit ang kanyang balabal, lumabas siya at tumayo sa bungad ng kweba. Biglang may tinig na nagsabi sa kanya, “Ano ang ginagawa mo rito, Elias?”