Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Hari 12:25-33

1 Hari 12:25-33 ASND

Pinalibutan ni Jeroboam ng pader ang lungsod ng Shekem sa kabundukan ng Efraim at doon siya tumira. Kinalaunan, pumunta siya sa Penuel at ipinaayos niya ito. Sinabi niya sa kanyang sarili, “Baka maibalik ang kaharian sa angkan ni David kung magpapatuloy ang mga tao sa pagpunta sa Jerusalem para maghandog doon sa templo ng PANGINOON. Maaaring mahulog muli ang kanilang loob kay Haring Rehoboam ng Juda. At kung mangyayari iyon, papatayin nila ako at babalik sila kay Rehoboam.” Kaya pagkatapos na payuhan si Jeroboam tungkol dito, nagpagawa siya ng dalawang gintong baka. Sinabi niya sa mga tao, “Mga Israelita, mahirap na para sa inyo na makapunta pa sa Jerusalem. Narito ang inyong mga dios na naglabas sa inyo sa Egipto.” Ang isang gintong baka ay ipinalagay niya sa Betel at ang isa naman ay sa Dan. Ang ginawang ito ni Jeroboam ay naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita. Pumupunta pa sila kahit sa Dan para sumamba roon. Nagpagawa pa si Jeroboam ng mga sambahan sa matataas na lugar at pumili siya ng mga tao na maglilingkod bilang pari, kahit hindi sila mula sa pamilya ng mga Levita. Nagpasimula rin siya ng pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 araw ng ikawalong buwan, tulad ng pista sa Juda. Nang araw na iyon, nag-alay siya sa Betel ng mga handog sa altar para sa mga gintong baka na ipinagawa niya. At doon siya pumili ng mga pari na itinalaga niyang maglingkod sa mga sambahan sa matataas na lugar na ipinagawa niya. Sa araw na iyon na naghandog siya sa altar na kanyang ipinagawa sa Betel, sinimulan niya ang pista para sa mga Israelita. Siya ang pumili ng petsang ika-15 araw ng ikawalong buwan para sa ganitong pista.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Hari 12:25-33

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya