Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Juan 4:17-19

1 Juan 4:17-19 ASND

Sa ganitong paraan ay naging ganap ang pag-ibig sa atin, kaya panatag tayo sa pagdating ng Araw ng Paghuhukom, dahil ang pamumuhay natin dito sa mundo ay tulad ng kay Cristo. Walang anumang takot sa pag-ibig. Pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung natatakot man ang isang tao, itoʼy dahil sa takot na maparusahan, at ipinapakita lang nito na hindi pa lubos na natupad sa kanya ang pag-ibig. Umiibig tayo sa Dios dahil siya ang unang umibig sa atin.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Juan 4:17-19