Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Juan 3:21-24

1 Juan 3:21-24 ASD

Mga minamahal, kung hindi tayo inuusig ng ating konsensiya, panatag tayong makakalapit sa Diyos. At matatanggap natin ang anumang hilingin natin sa kanya, dahil sinusunod natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya. At ito ang kanyang utos: Sumampalataya tayo sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo, at magmahalan tayo gaya ng iniutos niya sa atin. Ang mga sumusunod sa utos ng Diyos ay nananatili sa kanya, at nananatili rin ang Diyos sa kanila. At malalaman natin na nananatili siya sa atin sa pamamagitan ng Espiritu na ibinigay niya sa atin.