Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Corinto 3:12-15

1 Corinto 3:12-15 ASND

May magtatayo sa pundasyong ito na gagamit ng mabuting klase ng mga materyales gaya ng ginto, pilak at mamahaling bato. Mayroon namang gagamit lamang ng kahoy, tuyong damo at dayami. Ngunit sa Araw ng Paghuhukom, makikita ang kalidad ng itinayo ng bawat isa dahil susubukin ito sa apoy. Kung ang itinayo ay hindi masusunog, tatanggap ng gantimpala ang nagtayo. Ngunit kung ito namaʼy masunog, wala siyang tatanggaping gantimpala. Ganoon pa man, maliligtas siya, ngunit tulad lamang ng isang taong nakaligtas sa sunog na walang nailigtas na kagamitan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Corinto 3:12-15