Sa halip, ang karunungang sinasabi ko ay ang hiwaga ng Diyos na kanyang inilihim noon. Itoʼy itinalaga niya para sa ating kaluwalhatian bago pa man niya likhain ang mundo. Ang karunungang ito ay hindi naunawaan ng mga namumuno sa mundong ito. Sapagkat kung naunawaan nila, hindi sana nila ipinako sa krus ang dakilang Panginoon. Ganito nga ang sinasabi sa Kasulatan: “Wala pang mga matang nakakita, wala ring mga taingang nakarinig, at wala pang taong nakaisip sa mga bagay na inihanda ng Diyos para sa mga nagmamahal sa kanya.” Ngunit ang mga bagay na itoʼy ipinahayag na sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Sapagkat ang lahat ng bagay ay sinisiyasat ng Espiritu, maging ang mga malalalim na kaisipan ng Diyos. Hindi baʼt walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu? Ganoon din naman, walang nakakaalam sa iniisip ng Diyos maliban sa kanyang Espiritu. At ang Espiritu na ito ng Diyos ang tinanggap nating mga mananampalataya, hindi ang espiritu ng mundong ito, upang maunawaan natin ang mga pagpapalang ibinigay sa atin ng Diyos. Kaya nga ipinangangaral namin ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng mga salitang mula sa Banal na Espiritu at hindi mula sa karunungan ng tao. Ipinangangaral namin ang espirituwal na mga bagay sa mga taong pinananahanan ng Espiritu.
Basahin 1 Mga Taga-Corinto 2
Makinig sa 1 Mga Taga-Corinto 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Mga Taga-Corinto 2:7-13
8 Days
Scaling our leadership is critical today. We must enlarge, magnify, maximize, and grow our leadership capacity to navigate our ever-changing environment. Rapidly evolving technology, changing employee/team dynamics, and shifting economics are just some of the issues we encounter. But don't think scaling our leadership is just for the workplace. We must scale our leadership at home and in our relationships. Dive in today to gain practical, relevant leadership insight.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas