Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Corinto 13:7-11

1 Corinto 13:7-11 ASND

matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang lahat. May katapusan ang pagpapahayag ng mensahe ng Dios at ang pagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan, ganoon din ang pagpapahayag ng kaalaman tungkol sa Dios, ngunit ang pag-ibig ay walang hangganan. Hindi pa ganap ang ating kaalaman, ganoon din ang pagpapahayag natin ng mensahe ng Dios. Ngunit pagdating ng araw na magiging ganap ang lahat, mawawala na ang anumang hindi ganap. Noong bata pa ako, ang aking pagsasalita, pag-iisip at pangangatwiran ay tulad ng sa bata. Ngunit ngayong akoʼy mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang mga ugaling bata.