Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Taga-Corinto 12:1-7

1 Mga Taga-Corinto 12:1-7 ASD

Ngayon, mga kapatid, nais kong maunawaan ninyo ang tungkol sa mga kaloob ng Espiritu. Alam naman ninyo na noong hindi pa kayo nakakakilala sa Diyos, iniligaw kayo upang sumamba sa mga diyos-diyosang hindi naman nakakapagsalita. Kaya gusto kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ang magsasabi, “Sumpain si Hesus!” At wala ring taong makapagsasabi na, “Si Hesus ay Panginoon,” kung hindi siya pinapatnubayan ng Banal na Espiritu. May ibaʼt iba tayong kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung pinagmulan nito. May ibaʼt ibang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran natin. Mayroong ibaʼt ibang mga kakayahan upang magsagawa ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Diyos na nagbibigay ng lahat ng mga kakayahang ito. May mga kakayahang ipinagkaloob sa bawat isa sa atin na nagpapakita na nasa atin ang Espiritu, at ang mga itoʼy palaging para sa kapakinabangan ng buong iglesya.