Kung ang isang lalaki ay nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Diyos na may takip ang ulo, nagdadala siya ng kahihiyan sa kanyang ulo na si Kristo. Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Diyos na walang takip ang ulo ay nagdadala ng kahihiyan sa kanyang ulo na walang iba kundi ang lalaki, at para na rin siyang nagpakalbo. Kung ayaw magtakip ng ulo ang isang babae, magpaputol na lang siya ng buhok. Ngunit kahiya-hiya naman sa babae ang magpaputol ng buhok o magpakalbo, kaya dapat siyang magtakip ng ulo. Hindi dapat magtakip ng ulo ang lalaki kapag sumasamba dahil siyaʼy larawan at kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit ang babae ang karangalan ng lalaki. Sapagkat hindi naman nilikha ang lalaki mula sa babae, kundi ang babae ang nagmula sa lalaki. At hindi naman nilikha ang lalaki para sa babae, kundi ang babae para sa lalaki. Kaya dapat magtakip ng ulo ang babae para makita, maging ng mga anghel, na nagpapasakop siya sa kanyang asawa. Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae. Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinapanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Diyos. Kayo na rin ang magpasya: Kaaya-aya ba na makita ang isang babae na nananalangin sa Diyos nang walang takip sa ulo? Natural sa isang lalaki na maiksi ang buhok, dahil kahiya-hiya kung mahaba ito. Ngunit karangalan ng babae ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Sapagkat ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo. Kung mayroon mang gustong makipagtalo tungkol dito, wala na akong masasabi dahil ito ang aming nakaugalian, at ito ang sinusunod ng mga iglesya ng Diyos sa ibang lugar.
Basahin 1 Mga Taga-Corinto 11
Makinig sa 1 Mga Taga-Corinto 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Mga Taga-Corinto 11:4-16
24 Mga araw
"Paano dapat mabuhay ang isang Kristiyano?" Ang paksa ba ay binanggit sa unang liham sa mga taga-Corinto, na nagbibigay ng praktikal na pangangalaga at pagtutuwid sa mga isyung kinakaharap ng mga kabataang Kristiyano. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Corinthians habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas