May mga nagbigay din ng mga mamahaling bato, at itinabi ito sa bodega ng templo ng PANGINOON na pinamamahalaan ni Jehiel na mula sa angkan ni Gershon. Nagalak ang mga tao sa mga pinuno nila dahil kusang-loob at taos-puso silang nagbigay para sa PANGINOON. Labis din ang kagalakan ni Haring David. Pinuri ni David ang PANGINOON sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “O PANGINOON, Dios ng aming ninuno na si Jacob, sa inyo ang kapurihan magpakailanman! Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O PANGINOON, at higit kayo sa lahat! Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman. “Ngayon, O aming Dios, pinasasalamatan namin kayo at pinupuri ang inyong kagalang-galang na pangalan.
Basahin 1 Cronica 29
Makinig sa 1 Cronica 29
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Cronica 29:8-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas