1
ECLESIASTES 5:2
Ang Biblia (1905/1982)
Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita.
Paghambingin
I-explore ECLESIASTES 5:2
2
ECLESIASTES 5:19
Bawa't tao rin naman na binigyan ng Dios ng mga kayamanan at mga pagaari, at binigyan ng kapangyarihan na kumain niyaon, at kumuha ng kaniyang bahagi, at magalak sa kaniyang gawa—ito'y kaloob ng Dios.
I-explore ECLESIASTES 5:19
3
ECLESIASTES 5:10
Siyang umiibig sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak; o siya mang umiibig sa kasaganaan ng pakinabang: ito man ay walang kabuluhan.
I-explore ECLESIASTES 5:10
4
ECLESIASTES 5:1
Ingatan mo ang iyong paa pagka ikaw ay napasasa bahay ng Dios; sapagka't ang paglapit upang makinig ay maigi kay sa magbigay ng hain ng mga mangmang: sapagka't hindi nila nalalaman na sila'y nagsisigawa ng kasamaan.
I-explore ECLESIASTES 5:1
5
ECLESIASTES 5:4
Pagka ikaw ay nananata ng panata sa Dios, huwag kang magliban ng pagtupad; sapagka't siya'y walang kaligayahan sa mga mangmang: tuparin mo ang iyong ipinanata.
I-explore ECLESIASTES 5:4
6
ECLESIASTES 5:5
Maigi nga ang ikaw ay huwag manata, kay sa ikaw ay manata at hindi tumupad.
I-explore ECLESIASTES 5:5
7
ECLESIASTES 5:12
Ang tulog ng manggagawang tao ay mahimbing, maging siya'y kumain ng kaunti o marami: nguni't ang kasaganaan ng yaman ay hindi magpapatulog sa kaniya.
I-explore ECLESIASTES 5:12
8
ECLESIASTES 5:15
Kung paanong siya'y lumabas sa bahay-bata ng kaniyang ina, hubad na yayaon siya uli na gaya ng siya'y dumating, at hindi magdadala ng anoman sa kaniyang nagawa, na kaniyang madadala sa kaniyang kamay.
I-explore ECLESIASTES 5:15
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas