1
APOCALIPSIS 3:20
Ang Biblia, 2001
Makinig ka! Ako'y nakatayo sa may pintuan at tumutuktok; kung diringgin ng sinuman ang aking tinig at buksan ang pinto, ako'y papasok sa kanya, at kakaing kasalo niya, at siya'y kasalo ko.
Paghambingin
I-explore APOCALIPSIS 3:20
2
APOCALIPSIS 3:15-16
“Alam ko ang iyong mga gawa; ikaw ay hindi malamig o mainit man. Ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit. Kaya, dahil ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita mula sa aking bibig.
I-explore APOCALIPSIS 3:15-16
3
APOCALIPSIS 3:19
Ang lahat na aking iniibig ay aking sinasaway at dinidisiplina. Ikaw nga'y magsikap, at magsisi.
I-explore APOCALIPSIS 3:19
4
APOCALIPSIS 3:8
“Alam ko ang iyong mga gawa. Tingnan mo, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintong bukas, na hindi maisasara ng sinuman. Alam kong ikaw ay may kaunting kapangyarihan, ngunit tinupad mo ang aking salita, at hindi mo itinakuwil ang aking pangalan.
I-explore APOCALIPSIS 3:8
5
APOCALIPSIS 3:21
Ang magtagumpay ay pagkakalooban ko na umupong kasama ko sa aking trono, gaya ko naman na nagtagumpay at umupong kasama ng aking Ama sa kanyang trono.
I-explore APOCALIPSIS 3:21
6
APOCALIPSIS 3:17
Sapagkat sinasabi mo, ‘Ako'y mayaman, at naging mariwasa at hindi ako nangangailangan ng anuman.’ Hindi mo nalalamang ikaw ay aba, kahabag-habag, maralita, bulag at hubad.
I-explore APOCALIPSIS 3:17
7
APOCALIPSIS 3:10
Sapagkat tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa oras ng pagsubok na darating sa buong daigdig, upang subukin ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa.
I-explore APOCALIPSIS 3:10
8
APOCALIPSIS 3:11
Ako'y dumarating na madali; panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang walang makaagaw ng iyong korona.
I-explore APOCALIPSIS 3:11
9
APOCALIPSIS 3:2
Gumising ka, at palakasin mo ang mga bagay na natitira, na malapit nang mamatay, sapagkat hindi ko natagpuang ganap ang iyong mga gawa sa harapan ng aking Diyos.
I-explore APOCALIPSIS 3:2
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas