Bumangon ka, sumigaw ka sa gabi,
sa pasimula ng mga pagbabantay!
Ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig
sa harapan ng mukha ng Panginoon!
Itaas mo ang iyong mga kamay sa kanya
dahil sa buhay ng iyong mga anak
na nanghihina sa gutom
sa dulo ng bawat lansangan.