1
ISAIAS 60:1
Ang Biblia, 2001
Ikaw ay bumangon, magliwanag ka, sapagkat ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng PANGINOON ay sumikat sa iyo.
Paghambingin
I-explore ISAIAS 60:1
2
ISAIAS 60:3
At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong pagsikat.
I-explore ISAIAS 60:3
3
ISAIAS 60:2
Sapagkat narito, tatakpan ang lupa ng kadiliman, at ng makapal na dilim ang mga bayan. Ngunit ang PANGINOON ay sisikat sa iyo, at ang kanyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo.
I-explore ISAIAS 60:2
4
ISAIAS 60:22
Ang pinakamaliit ay magiging isang angkan, at ang pinakakaunti ay magiging isang makapangyarihang bansa. Ako ang PANGINOON, ito ay mabilis kong gagawin sa kapanahunan nito.
I-explore ISAIAS 60:22
5
ISAIAS 60:19
Ang araw ay hindi na magiging iyong liwanag kapag araw; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag. Kundi ang PANGINOON ang magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang iyong Diyos ay iyong kaluwalhatian.
I-explore ISAIAS 60:19
6
ISAIAS 60:20
Ang iyong araw ay hindi na lulubog, o ang iyo mang buwan ay lulubog; sapagkat ang PANGINOON ay magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang mga araw ng iyong pagtangis ay matatapos.
I-explore ISAIAS 60:20
7
ISAIAS 60:5
Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan, at ang iyong puso ay manginginig sa tuwa at magagalak, sapagkat ang kasaganaan ng dagat ay dadalhin sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo.
I-explore ISAIAS 60:5
8
ISAIAS 60:4
Imulat mo ang iyong mata sa palibot, at ikaw ay tumingin. Silang lahat ay nagtitipon, sila'y pumaroon sa iyo, ang iyong mga anak na lalaki ay magmumula sa malayo, at ang iyong mga anak na babae ay kakalungin.
I-explore ISAIAS 60:4
9
ISAIAS 60:21
Magiging matuwid na lahat ang iyong bayan, kanilang aangkinin ang lupain magpakailanman, ang sanga ng aking pananim, ang gawa ng aking mga kamay, upang ako'y luwalhatiin.
I-explore ISAIAS 60:21
10
ISAIAS 60:18
Hindi na maririnig sa iyong lupain ang Karahasan, ni ang pagkawasak o pagkagiba sa loob ng iyong mga hangganan; ang iyong mga pader ay tatawagin mong Kaligtasan, at Papuri ang iyong mga pintuan.
I-explore ISAIAS 60:18
11
ISAIAS 60:11
Magiging laging bukas ang iyong mga pintuan, hindi isasara sa araw o sa gabi man; upang ang mga tao ay magdala sa iyo ng kayamanan ng mga bansa, at ang kanilang mga hari ang nangunguna sa hanay.
I-explore ISAIAS 60:11
12
ISAIAS 60:6
Tatakpan ka ng napakaraming kamelyo, ng mga batang kamelyo ng Midian at Efa; lahat ng mula sa Seba ay darating. Sila'y magdadala ng ginto at kamanyang, at maghahayag ng kapurihan ng PANGINOON.
I-explore ISAIAS 60:6
13
ISAIAS 60:10
Itatayo ng mga dayuhan ang mga kuta mo, at ang kanilang mga hari ay maglilingkod sa iyo; sapagkat sa aking poot ay sinaktan kita, ngunit sa aking biyaya ako sa iyo ay naawa.
I-explore ISAIAS 60:10
14
ISAIAS 60:15
Yamang ikaw ay napabayaan at kinamuhian, na anupa't walang tao na sa iyo ay dumaraan, gagawin kitang walang hanggang karilagan, na sa maraming salinlahi ay kagalakan.
I-explore ISAIAS 60:15
15
ISAIAS 60:16
Ikaw ay iinom ng gatas ng mga bansa, at sususo sa mga suso ng mga hari; at iyong malalaman na akong PANGINOON ay Tagapagligtas mo at Manunubos, Makapangyarihan ng Jacob.
I-explore ISAIAS 60:16
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas