1
ECLESIASTES 5:2
Ang Biblia, 2001
Huwag kang pabigla-bigla sa iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anumang bagay sa harapan ng Diyos; sapagkat ang Diyos ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa; kaya't kaunti lamang ang iyong maging salita.
Paghambingin
I-explore ECLESIASTES 5:2
2
ECLESIASTES 5:19
Gayundin sa bawat tao na binigyan ng Diyos ng kayamanan at mga ari-arian, at binigyan ng kapangyarihan na masiyahan sa mga ito, at tanggapin ang kanyang kapalaran, at magalak sa kanyang pagpapagod—ito'y kaloob ng Diyos.
I-explore ECLESIASTES 5:19
3
ECLESIASTES 5:10
Siyang umiibig sa salapi ay hindi masisiyahan sa salapi; o siya mang umiibig sa kayamanan na may pakinabang: ito man ay walang kabuluhan.
I-explore ECLESIASTES 5:10
4
ECLESIASTES 5:1
Ingatan mo ang iyong mga hakbang kapag ikaw ay nagtungo sa bahay ng Diyos. Ang lumapit upang makinig ay mas mabuti kaysa magbigay ng handog ng mga hangal, sapagkat hindi nila nalalaman na sila'y nagsisigawa ng kasamaan.
I-explore ECLESIASTES 5:1
5
ECLESIASTES 5:4
Kapag ikaw ay gumawa ng panata sa Diyos, huwag kang magpaliban ng pagtupad; sapagkat siya'y walang kasiyahan sa mga hangal. Tuparin mo ang iyong ipinanata.
I-explore ECLESIASTES 5:4
6
ECLESIASTES 5:5
Mas mabuti pa na hindi ka gumawa ng panata, kaysa ikaw ay gumawa ng panata at hindi tumupad.
I-explore ECLESIASTES 5:5
7
ECLESIASTES 5:12
Masarap ang tulog ng manggagawa; kumakain man siya nang kaunti o marami; ngunit ang pagpapakasawa ng mayaman ay hindi magpapatulog sa kanya.
I-explore ECLESIASTES 5:12
8
ECLESIASTES 5:15
Kung paanong siya'y lumabas sa sinapupunan ng kanyang ina, gayon siya muling aalis, hubad siyang dumating, wala siyang anumang madadala mula sa kanyang pagpapagod, na kanyang madadala sa kanyang kamay.
I-explore ECLESIASTES 5:15
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas