1
II MGA TAGA CORINTO 4:18
Ang Biblia, 2001
sapagkat hindi kami tumitingin sa mga bagay na nakikita, kundi sa mga bagay na hindi nakikita, sapagkat ang mga bagay na nakikita ay may katapusan, subalit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.
Paghambingin
I-explore II MGA TAGA CORINTO 4:18
2
II MGA TAGA CORINTO 4:16-17
Kaya't kami ay hindi pinanghihinaan ng loob, bagamat ang aming panlabas na pagkatao ay nabubulok, ang aming panloob na pagkatao ay binabago sa araw-araw. Sapagkat inihahanda tayo nitong magaan at panandaliang kapighatian para sa walang hanggan at di-masukat na kaluwalhatian
I-explore II MGA TAGA CORINTO 4:16-17
3
II MGA TAGA CORINTO 4:8-9
Sa bawat panig ay pinagmamalupitan kami, subalit hindi nadudurog, nililito subalit hindi nawawalan ng pag-asa; pinag-uusig, subalit hindi pinababayaan; inilulugmok, subalit hindi napupuksa
I-explore II MGA TAGA CORINTO 4:8-9
4
II MGA TAGA CORINTO 4:7
Ngunit taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ipakita na ang nag-uumapaw na kapangyarihan ay mula sa Diyos, at hindi mula sa amin.
I-explore II MGA TAGA CORINTO 4:7
5
II MGA TAGA CORINTO 4:4
Sa kanilang kalagayan, binulag ng diyos ng sanlibutang ito ang pag-iisip ng mga hindi mananampalataya, upang huwag nilang makita ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Diyos.
I-explore II MGA TAGA CORINTO 4:4
6
II MGA TAGA CORINTO 4:6
Sapagkat ang Diyos ang nagsabi, “Magningning ang ilaw sa kadiliman,” na siyang tumatanglaw sa aming mga puso upang magbigay-liwanag sa pagkakilala sa kaluwalhatian ng Diyos sa mukha ni Jesu-Cristo.
I-explore II MGA TAGA CORINTO 4:6
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas