1
Eclesiastes 5:2
Ang Biblia
Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita.
Paghambingin
I-explore Eclesiastes 5:2
2
Eclesiastes 5:19
Bawa't tao rin naman na binigyan ng Dios ng mga kayamanan at mga pag-aari, at binigyan ng kapangyarihan na kumain niyaon, at kumuha ng kaniyang bahagi, at magalak sa kaniyang gawa, ito'y kaloob ng Dios.
I-explore Eclesiastes 5:19
3
Eclesiastes 5:10
Siyang umiibig sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak; o siya mang umiibig sa kasaganaan ng pakinabang: ito man ay walang kabuluhan.
I-explore Eclesiastes 5:10
4
Eclesiastes 5:1
Ingatan mo ang iyong paa pagka ikaw ay napasasa bahay ng Dios; sapagka't ang paglapit upang makinig ay maigi kay sa magbigay ng hain ng mga mangmang: sapagka't hindi nila nalalaman na sila'y nagsisigawa ng kasamaan.
I-explore Eclesiastes 5:1
5
Eclesiastes 5:4
Pagka ikaw ay nananata ng panata sa Dios, huwag kang magliban ng pagtupad; sapagka't siya'y walang kaligayahan sa mga mangmang: tuparin mo ang iyong ipinanata.
I-explore Eclesiastes 5:4
6
Eclesiastes 5:5
Maigi nga ang ikaw ay huwag manata, kay sa ikaw ay manata at hindi tumupad.
I-explore Eclesiastes 5:5
7
Eclesiastes 5:12
Ang tulog ng manggagawang tao ay mahimbing, maging siya'y kumain ng kaunti o marami: nguni't ang kasaganaan ng yaman ay hindi magpapatulog sa kaniya.
I-explore Eclesiastes 5:12
8
Eclesiastes 5:15
Kung paanong siya'y lumabas sa bahay-bata ng kaniyang ina, hubad na yayaon siya uli na gaya ng siya'y dumating, at hindi magdadala ng anoman sa kaniyang nagawa, na kaniyang madadala sa kaniyang kamay.
I-explore Eclesiastes 5:15
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas