Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 19:1

Kapag ang Pananampalataya ay Nabigo: 10 Araw ng Paghahanap sa Diyos sa Anino Ng Pag-aalinglangan
10 Araw
Ang pakikipagbuno sa pananampalataya at pag-aalinlangan ay maaaring maging lubhang malungkot at nakapaghihiwalay. Ang ilan ay nagdurusa sa katahimikan habang ang iba ay lubusang tumitiwalag sa paniniwala, sa pag-aakalang ang pagdududa ay hindi tugma sa pananampalataya. Naniniwala si Dominic Done na ito ay parehong kalunus-lunos at malalim na pagkakamali. Gumagamit siya ng Banal na Kasulatan at literatura para ipangatuwiran na hindi lamang normal ang pagtatanong kundi kadalasan ito ay isang landas patungo sa isang mayaman at masiglang pananampalataya. Tuklasin ang pananampalataya at pagdududa sa 10-araw na gabay na ito.

PASKO: Ang Plano ng Pagliligtas ng Diyos ay Nabatid
14 Araw
Ang mga huwad na diyos na inimbento ng sangkatauhan upang magbigay ng kahulugan sa isang diyos na alam nilang dapat na umiiral, ay, hindi nakakagulat, na katulad ng sangkatauhan. Kinailangan silang hikayatin at suhulan ng mga gawa ng debosyon upang mapansin tayo. Ngunit ang nag-iisang tunay na Diyos ang nagkusa at hinanap tayo––upang iligtas tayo pabalik sa Kanyang sarili. At iyon ang kuwento ng Pasko.