Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 119:10
Paano Magsisimulang Magbasa ng Biblia
4 na Araw
Maging tapat tayo: Alam natin na magandang ideya na basahin ang Biblia, ngunit mahirap alamin kung saan magsisimula. Sa susunod na apat na araw, malalaman natin kung bakit mahalaga ang Biblia, kung paano magsimula ng pang-araw-araw na ugali sa pagbabasa, at kung paano isasabuhay ito ngayon.
Simula sa Araw na Ito nina Craig & Amy Groeschel
7 Araw
Maaari kang magkaroon ng pambihirang pag-aasawa. Ang mga pipiliin mo ngayon ay makaaapekto sa pag-aasawa mo pagdating ng panahon. Ang pastor at best-selling na manunulat sa New York Times na si Craig Groeschel at ang kanyang asawa, si Amy, ay magpapaliwanag ng limang pangako na tutulong na mapagtibay ang samahan ninyong mag-asawa: Unahin ang Diyos, mag-away ng patas, maglibang, manatiling dalisay, at huwag sumuko. Simulan ang pagsasamang nais mo, sa araw na ito - hanggang magpakailanman.
Mahal ako ni Jesus
7 Araw
Kung may magtanong sa iyo, "Anong kailangan kong paniwalaan para maging Cristiano?", anong isasagot mo? Sa simpleng kantang, "Jesus loves me, this I know, for the Bible tells me so”, isang mamamahayag na naging pastor ang magpapaunawa sa iyo sa paniniwala mo at kung bakit. Ang mahusay na may-akdang si John S. Dickerson ay malinaw at tapat na ipinaliwanag ang paniniwalang Cristiano at mahusay na inilarawan ang kahalagahan nito.
Pagwawagi sa Digmaan sa Iyong Isipan
7 Araw
Karamihan sa mga labanan ng buhay ay naipapanalo o naipapatalo sa isipan. Kaya papaano natin mapapagwagian ang karamihan ng mga labanang iyon? Sa 7 na araw na Gabay sa Biblia na ito mula sa aklat ni Craig Groeschel na Pastor ng Life.Church, tutuklasin natin kung paano labanan ang mga nakalalasong pag-iisip, pagtagumpayan ang di-masupil na mga kaisipan, at magsimulang mapagwagian ang digmaan sa ating isipan gamit ang katotohanan ng Diyos bilang ating plano sa pakikibaka.
Pagkamasunurin
2 Linggo
Si Jesus mismo ang nagsabing kung sinuman ang naniniwala sa kanya ay susunod sa Kanyang pagtuturo. Anuman ang maging kabayaran nito sa atin nang personal, ang ating pagkamasunurin ay mahalaga sa Diyos. Ang babasahing gabay na "Pagkamasunurin" ay gagabay sa iyo sa sinasabi ng mga Kasulatan tungkol sa pagsunod: Kung paano panatilihin magkaroon ng isang kaisipan na may integridad, ang tungkulin ng awa, kung paano tayo pinalalaya at pinagpapapala ang ating buhay ng pagsunod at marami pang iba.
Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang Pasko
25 na Araw
Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ang mga panalangin ay natutugunan at ang kalangitan ay isang sagot lamang ang layo. Sa pamamagitan ng mga karanasan nina Maria, Jose, Zacarias at Elizabet, ng mga pastol at mga lalaking pantas, sinisiyasat ng debosyonal na ito ang kahalagahan ng unang Pasko at kung paano ito bumabagtas sa ating mga buhay sa ngayon.
Kagalakan Para sa Lahat ng Panahon
30 Araw
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.