Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Kawikaan 16:2

Pamumuhay sa Kabutihan ng Diyos
4 na Araw
"Magpakabuti ka!" paulit-ulit na naririnig ng mga bata—sa kanilang mga magulang, guro at mga naghahari-hariang mga nakatatandang kapatid. Ngunit ano nga ba ang "kabutihan"? Sa apat na araw na gabay na ito, ikaw at ang iyong mga anak ay magkasamang matutuklasan ang pagkkaiba ng kumikilos ng maayos sa tunay na pagiging mabuti. Sa bawat araw ay may kalakip na panalanging panghimok, maikling pagbabasa ng Banal na kasulatan at paliwanag, mga aktwal na gawain at katanungang magagamit sa talakayan.

Babasahing Gabay na Ang Mas Mabuti
28 Araw
Ikaw ba ay napupuno, nalulungkot, at nakakaramdam nang pagkabaon sa isang sitwasyon? Nais mo bang bumuti ang iyong pangaraw-araw na buhay? Ang Salita ng Diyos ang iyong gabay tungo sa mas magagandang mga araw. Sa 28-araw na babasahing gabay na ito, iyong matutuklasan ang mga paraan kung paano mas mapaganda ang iyong buhay na kalugod-lugod sa Kanya.