Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Lucas 12:7
Paano Ko Malalaman ang Kalooban ng Diyos?
5 Araw
Ano ba ang kalooban ng Diyos? Lahat tayo ay pinag-isipan na ito sa isang punto ng ating buhay. Kung minsan, habang hinihintay nating malaman kung ano ito, napaparalisa tayo. Ang Biblia ang ating gabay upang magkaroon ng higit pang kaunawaan sa paksang ito. Pag-uusapan natin ang iba't-ibang aspeto ng kalooban ng Diyos sa limang araw na Gabay na ito.
Nabagong Pamumuhay: Kapag Ikaw ay Walang Asawa
5 Araw
Lahat tayo ay may mga inaasahan kung ano ang magiging takbo ng ating mga buhay. Marahil ay inasahan mong ikinasal ka na ngayon, sa halip ay nakadarama ka ng kalungkutan, pagkaligaw, o kawalan ng pag-asa. Ang totoo, hindi mo kailangang mag-asawa upang makahanap ng kagalakan at maisabuhay ang iyong tawag. Ang 5-araw na gabay na ito ay tutulong sa iyo na mamuhay nang may layunin ngayon at magbibigay sa iyo ng pag-asa para sa hinaharap.
Iniibig Ka ng Ama ni Pete Briscoe
16 Araw
Tinuruan tayo mula sa pagkabata na ang Diyos ay ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak. Subalit ang pakikipag-ugnayan sa Diyos bilang Ama ay hindi laging madali - lalo na kung ang ating mga ama sa lupa ay nahihirapan na ipakita ang pag-ibig na hinahangad natin. Sa 16 na araw na pag-aaral na ito, itinuon ni Pete Briscoe ang ating pansin sa Diyos na nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng ating pananabik para sa pag-ibig, sa pagbibigay-diin kung paano ipinahayag ng Kasulatan na Siya ay ating mabuting at perpektong Ama.