Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Galacia 3:5
Pananampalataya
12 Araw
Ang kakayahan bang makakita ay batayan ng paniniwala? O ang paniniwala ba ay upang lubos na makakita? Ito ang mga tanong ng pananampalataya. Ang planong ito ay naghahandog ng malalim na pag aaral sa pananampalataya—mula sa mga kwento ng mga totoong tao sa Lumang Tipan na nagpakita ng kalakasan ng pananampalataya sa mga imposibleng sitwasyon hanggang sa mga turo ni Jesus patungkol sa mga paksa. Sa pamamagitan ng iyong pagbabasa, mahihikayat kang lumalim pang lalo ang iyong relasyon sa Diyos at maging mas tapat na disipulo ni Jesus.
Bagong Taon, Mga Bagong Awa
15 Araw
Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.
Mga Taga-Galatia
20 Araw
“Sa pananampalataya lamang” tayo ay naligtas, hindi sa anumang bagay na ating ginagawa upang maging karapat-dapat sa kaloob ng kaligtasan - iyon ang malinaw at direktang mensahe ng liham sa mga taga-Galacia. Araw-araw na paglalakbay sa Galacia habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.