GENESIS 15

15
Ang pangako ng Dios kay Abram.
1Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, #Gen. 26:24; Dan. 10:12; Luc. 1:13, 30.Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong #Awit 3:3; 5:12; 119:114.kalasag, at ang iyong #Kaw. 11:18.ganting pala na lubhang dakila.
2At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?
3At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak #Gen. 14:14.at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.
4At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi #2 Sam. 7:12.lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo.
5At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, #Awit 147:4.at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging #Gen. 22:17; Rom. 4:18.ganiyan ang iyong binhi.
6 # Rom. 4:3; 9:22; Gal. 3:6; Sant. 2:23. At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya.
7At sinabi sa kaniya, #Gen. 11:28, 31; 12:1.Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo.
8At sinabi niya, Oh Panginoong Dios, #Gen. 24:13, 14; Huk. 6:17, 37; 2 Hari 20:8; Luc. 1:18.paanong pagkakilala ko na aking mamanahin?
9At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati.
10At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at #Jer. 34:18, 19.pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; #Lev. 1:17.datapuwa't hindi hinati ang mga ibon.
11At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram.
12At nang lulubog na ang araw, ay #Gen. 2:21.nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya.
13At sinabi ng Dios kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, #Gawa 7:6.na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod #Ex. 1:11.sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon.
14At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan: #Ex. 21:36; Awit 105:37.at pagkatapos ay aalis silang may malaking pagaari.
15 # Job 5:26. Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa #Gawa 13:36.iyong mga magulang; #Gen. 25:8.at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan.
16At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito: #Dan. 8:23; Mat. 23:32; 1 Tes. 2:16.sapagka't hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga #1 Hari 21:26.Amorrheo.
17At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.
18Nang araw na yaon, ang Panginoon ay #Gen. 24:7.nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, #Gen. 12:7; 13:15; 26:4; Ex. 23:31; Blg. 34:3; Deut. 1:7; 11:24; 34:4; Jos. 1:4; 1 Hari 4:21; 2 Cron. 9:26; Neh. 9:8; Awit 105:11; Is. 27:12.Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.
19Ang mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo,
20At ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim,
21At ang mga Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gergeseo, at ang mga Jebuseo.

Айни замон обунашуда:

GENESIS 15: ABTAG

Лаҳзаҳои махсус

Паҳн кунед

Нусха

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in