GENESIS 5
5
1Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam. Nang araw na lalangin ng Dios ang tao, #Gen. 1:26; 9:6; Ef. 4:24; Col. 3:10.sa wangis ng Dios siya nilalang;
2 #
Gen. 1:27. Lalake at babae silang nilalang; at sila'y binasbasan, at tinawag na Adam ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin.
3At nabuhay si Adam ng isang daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig sa kaniyang larawan; at tinawag ang kaniyang pangalan na #Gen. 4:25.Set:
4At ang mga #1 Cor. 1:1; Luc. 3:36-38.naging araw ni Adam, pagkatapos na maipanganak si Set, ay walong daang taon: at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
5At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon; at #Gen. 3:19.siya'y namatay.
Mga inanak ni Set.
6At nabuhay si Set ng isang daan at limang taon #Gen. 4:26.at naging anak niya si Enos.
7At nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
8At ang lahat na naging araw ni Set ay siyam na raan at labing dalawang taon: at siya'y namatay.
9At nabuhay si Enos ng siyam na pung taon, at naging anak si Cainan:
10At nabuhay si Enos, pagkatapos na maipanganak si Cainan, ng walong daan at labing limang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
11At ang lahat na naging araw ni Enos ay siyam na raan at limang taon, at siya'y namatay.
12At nabuhay si Cainan ng pitong pung taon, at naging anak si Mahalaleel:
13At nabuhay si Cainan, pagkatapos na maipanganak si Mahalaleel, ng walong daan at apat na pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
14At ang lahat na naging araw ni Cainan, siyam na raan at sangpung taon, at namatay.
15At nabuhay si Mahalaleel ng anim na pu't limang taon, at naging anak si Jared:
16At nabuhay si Mahalaleel, pagkatapos na maipanganak si Jared, ng walong daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
17At ang lahat na naging araw ni Mahalaleel ay walong daan at siyam na pu't limang taon: at namatay.
18At nabuhay si Jared ng isang daan at anim na pu't dalawang taon, at naging anak si #Jud. 14-15.Enoc:
19At nabuhay si Jared, pagkatapos na maipanganak si Enoc, ng walong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
20At ang lahat na naging araw ni Jared ay siyam na raan at anim na pu't dalawang taon: at namatay.
21At nabuhay si Enoc na anim na pu't limang taon, at naging anak si Matusalem:
22 #
Gen. 6:9; Mik. 6:8; Mal. 2:6. At lumakad si Enoc na kasama ng Dios, pagkatapos na maipanganak si Matusalem na tatlong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
23At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at anim na pu't limang taon:
24At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya #2 Hari 2:11; Heb. 11:5.nasumpungan, sapagkat kinuha ng Dios.
25At nabuhay si Matusalem ng isang daan at walong pu't pitong taon; at naging anak si Lamec:
26At nabuhay si Matusalem pagkatapos na maipanganak si Lamec, ng pitong daan at walong pu't dalawang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae;
27At ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyam na raan at anim na pu't siyam na taon: at siya'y namatay.
28At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu't dalawang taon, at nagkaanak ng isang lalake:
29At tinawag ang kaniyang pangalan na Noe, na sinabi, Ito nga ang aaliw sa atin tungkol sa ating gawa at sa pinagpagalan ng ating mga kamay, dahil sa lupang #Gen. 3:17.sinumpa ng Panginoon.
30At nabuhay si Lamec, pagkatapos na maipanganak si Noe, ng limang daan at siyam na pu't limang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae:
31At ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitong pu't pitong taon: at namatay.
32At si Noe ay may limang daang taon: at naging anak ni Noe si Sem, si Cham, at si Japhet.
Zvasarudzwa nguva ino
GENESIS 5: ABTAG
Sarudza vhesi
Pakurirana nevamwe
Sarudza zvinyorwa izvi
Unoda kuti zviratidziro zvako zvichengetedzwe pamidziyo yako yose? Nyoresa kana kuti pinda
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982