GENESIS 26
26
Nanirahan si Isaac sa Gerar
1Nagkaroon ng taggutom sa lupain, bukod sa unang taggutom na nangyari nang mga araw ni Abraham. Pumunta si Isaac kay Abimelec, na hari ng mga Filisteo sa Gerar.
2At nagpakita ang Panginoon kay Isaac at sinabi, “Huwag kang bumaba sa Ehipto; manatili ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo.
3Manatili#Gen. 22:16-18 ka sa lupaing ito, at sasamahan kita, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagkat sa iyo at sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, at tutuparin ko ang aking ipinangako kay Abraham na iyong ama.
4Pararamihin ko ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito at pagpapalain ang lahat ng bansa sa lupa sa pamamagitan ng iyong binhi,
5sapagkat pinakinggan ni Abraham ang aking tinig at sinunod ang aking tagubilin, ang aking mga utos, ang aking mga batas at ang aking mga kautusan.”
6Nanirahan si Isaac sa Gerar.
Nilinlang ni Isaac si Abimelec
7Tinanong#Gen. 12:13; 20:2 siya ng mga taong taga-roon tungkol sa kanyang asawa, at sinabi niya, “Siya'y aking kapatid;” sapagkat takot siyang sabihin na, “Siya'y aking asawa.” Inakala niya na “baka ako'y patayin ng mga taong taga-rito, dahil kay Rebecca; dahil sa siya'y may magandang anyo.”
8Nang siya'y matagal nang naroroon, dumungaw si Abimelec na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at nakita si Isaac na hinahaplos si Rebecca na kanyang asawa.
9Kaya't tinawag ni Abimelec si Isaac at sa kanya'y sinabi, “Asawa mo pala siya! Bakit sinabi mong, ‘Siya'y aking kapatid’?” Sumagot sa kanya si Isaac, “Sapagkat inakala kong baka ako'y mamatay dahil sa kanya.”
10At sinabi ni Abimelec, “Ano itong ginawa mo sa amin? Paano kung may sumiping sa iyong asawa, at ikaw sana ang naging dahilan upang kami ay magkasala?”
11Kaya't iniutos ni Abimelec sa buong bayan, “Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kanyang asawa ay mamamatay.”
12At si Isaac ay naghasik sa lupaing iyon, at umani siya ng taong yaon ng makasandaang ibayo. Pinagpala siya ng Panginoon,
13at naging mayaman ang lalaki at patuloy na naging mayaman hanggang sa naging napakayaman.
14At siya'y may ari-arian na mga kawan, mga bakahan, at malaking sambahayan; at kinainggitan siya ng mga Filisteo.
15Lahat ng mga balong hinukay ng mga alipin ng kanyang amang si Abraham ay pinagtatabunan at pinuno ng lupa ng mga Filisteo.
16Sinabi ni Abimelec kay Isaac, “Humiwalay ka sa amin, sapagkat ikaw ngayon ay higit na malakas kaysa amin.”
17At umalis si Isaac doon at nagkampo sa libis ng Gerar at nanirahan doon.
18Muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga araw ni Abraham na kanyang ama; sapagkat pinagtatabunan iyon ng mga Filisteo pagkamatay ni Abraham. Pinangalanan niya ang mga iyon ayon sa mga pangalang itinawag sa kanila ng kanyang ama.
19Humukay sa libis ang mga alipin ni Isaac at nakatagpo roon ng isang balon ng tubig na bumubukal.
20Nakipagtalo ang mga pastol ng Gerar sa mga pastol ni Isaac, na sinasabi, “Ang tubig ay amin.” Kanyang tinawag ang pangalan ng balon na Esec#26:20 Ang kahulugan ay Pagtatalo. sapagkat sila'y nakipagtalo sa kanya.
21Kaya't sila'y humukay ng ibang balon at muli nilang pinagtalunan, at ito ay tinawag niya sa pangalang Sitnah.#26:21 Ang kahulugan ay Alitan.
22Umalis siya roon at humukay ng ibang balon at hindi nila pinagtalunan at ito ay kanyang tinawag sa pangalang Rehobot,#26:22 Ang kahulugan ay Maluluwang na lugar. at kanyang sinabi, “Sapagkat ngayo'y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan at tayo ay magiging mabunga sa lupain.”
23Mula roon ay umahon siya sa Beer-seba.
24At nagpakita sa kanya ang Panginoon nang gabi ring iyon at sinabi, “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot sapagkat sasamahan kita, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi alang-alang kay Abraham na aking lingkod.”
25Doon ay nagtayo si Isaac ng isang dambana at tumawag sa pangalan ng Panginoon. Itinayo niya roon ang kanyang tolda at humukay doon ng balon ang mga alipin ni Isaac.
Ang Sumpaan nina Isaac at Abimelec
26Pagkatapos#Gen. 21:22 noo'y pumunta si Abimelec sa kanya mula sa Gerar, kasama si Ahuzath na kanyang tagapayo, at si Ficol na kapitan ng kanyang hukbo.
27Sinabi sa kanila ni Isaac, “Bakit kayo pumarito sa akin, yamang kayo'y napopoot sa akin at pinalayas ninyo ako?”
28At sinabi nila, “Malinaw naming nakita na ang Panginoon ay naging kasama mo; kaya't sinasabi namin, ‘Magkaroon tayo ng sumpaan, kami ay makikipagtipan sa iyo,’
29na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya rin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinaalis ka naming payapa. Ikaw ngayon ang pinagpala ng Panginoon.”
30Kaya siya'y nagpahanda ng maraming pagkain para sa kanila, at sila'y kumain at uminom.
31Kinaumagahan, maaga silang gumising at sila'y nagsumpaan. Sila'y pinalakad na ni Isaac sa kanilang patutunguhan at iniwan nilang payapa si Isaac.
32Nang araw ding iyon, dumating ang mga alipin ni Isaac at siya'y binalitaan tungkol sa hinukay nilang balon, at sinabi sa kanya, “Nakatagpo kami ng tubig.”
33Tinawag niya itong Seba#26:33 o Sumpa. kaya't ang pangalan ng bayang iyon ay Beer-seba#26:33 o Balon ng sumpa. hanggang ngayon.
Mga Naging Asawa ni Esau
34Nang si Esau ay apatnapung taong gulang, siya ay nag-asawa kay Judith na anak ni Beeri na Heteo, at kay Basemat na anak ni Elon na Heteo.
35At ginawa nilang mapait ang buhay para kina Isaac at Rebecca.
Selectat acum:
GENESIS 26: ABTAG01
Evidențiere
Partajează
Copiază
Dorești să ai evidențierile salvate pe toate dispozitivele? Înscrie-te sau conectează-te
©Philippine Bible Society, 2001