Manalangin sa Diyos ng Pagmamahal at KatotohananSample
Pray for Work and Finances
Basahin: 1 Cronica 29:12-13
12 Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman. 13 Ngayon, O aming Diyos, pinasasalamatan namin kayo, at pinupuri ang inyong kagalang-galang na pangalan.
Pagnilayan:
1. Basahin ang 1 Cronica 29:2-9. Anong ginagawa ng hari at mga tao sa paghahanda sa pagtatayo ng Templo ng Diyos? Paano sila nakakatulong sa gawain?
2 Dahil dito, sinikap kong magtipon ng mga gagamitin para sa Templo ng aking Diyos tulad ng ginto, pilak, tanso, bakal at kahoy. Napakarami ng inihanda kong batong onise at iba pang mahahalagang batong pampalamuti, at lahat ng uri ng mahahalagang bato at marmol.3 Hindi lang iyan, pati na ang sarili kong pilak at ginto ay inilaan ko na rin sa gawaing ito, sapagkat kasiyahan kong magkaroon ng Templo ang aking Diyos.4 May nakalaan akong 105,000 kilong ginto na mula pa sa Ofir, at 245,000 kilong purong pilak na ididikit sa mga dingding ng Templo,5 at sa iba pang bagay na gagawin ng mga mahuhusay na platero. Sino sa inyo ngayon ang kusang-loob na magbibigay para kay Yahweh?”
6 Sumang-ayon agad ang mga pinuno ng mga sambahayan, ang mga pinuno ng mga lipi, ang mga pinuno ng mga hukbo at ang mga katiwala ng hari.7 Kusang-loob silang nagbigay, at ang natipon para sa gagawing templo ay 175,000 kilong ginto, 350,000 kilong pilak, 630,000 kilong tanso, at 3,500,000 kilong bakal.8 Ipinagkaloob nila ang kanilang mahahalagang bato sa kabang-yaman ng Templo ni Yahweh na nasa pamamahala ni Jehiel na mula sa angkan ni Gershon.9 Masayang-masaya ang mga tao sa kanilang mga kusang-loob na panghandog kay Yahweh, at labis din itong ikinatuwa ni Haring David.
2. Paano kinilala ni Haring David ang Diyos sa kanyang panalangin? (v12)
3. Ano ang tugon ni Haring David sa mga pagpapala at kaparaanan ng Diyos? (v13)
Isabuhay:
Ang Diyos ang siyang nagkakaloob, gumagabay, at nagpapatuloy sa Kanyang gawain. Kinilala ni Haring David ito sa kanyang panalangin na nauwi sa pasasalamat at papuri! Katulad nito, tayo ay tinawag na isabuhay at isakatuparan ang ating layunin mula sa Panginoon. Habang ginagawa natin ito, ang Diyos ang siyang nagbibigay ng tulong, mga kakayahan, karunungan, at kalakasan para matupad ang mga ginagawa natin para sa Kanya. Ito ay nagbibigay ng lahat ng kaluwalhatian sa Kanya sa bawat pagsisikap!
1. Paano ko makikita ang aking trabaho bilang katawagan mula sa Diyos? Anong magagawa ko na naiiba kung saan Niya tinawag?
2. Sa aking kaalaman na nais ng Diyos na itayo ang Kanyang Kaharian sa mundo, paano ko mapapangasiwa at puhunanin ang aking mga kakayahan sa misyon ng Diyos?
Please set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, Time-bound (SMART) commitments.
Halimbawa: Paano ko palaging maibibigay nang masaya ang aking ikapu at alay para sa gawain ng Diyos sa iglesya at sa mundo?
3. Magkakaroon ako ng oras para pasalamatan ang Panginoon sa Kanyang maraming pagpapala sa aking buhay. Isusulat ko ang ginawa at pagpapala ng Diyos at sa bawat isa ay purihin Siya!
Ipanalangin:
Tawag ng Diyos:
- Alamin ang tawag ng Panginoon sa iyong buhay. Hayaang gabayan ka Niya kung paano mo gagamitin para sa Kanyang mga layunin ang mga sumusunod:
- Time (Oras)
- Talent (Kakayahan o Talento)
- Treasure (Yaman o Mapagkukunan)
- Truth (Impluwensiya)
- I-alay mo sa Kanya ang iyong gawain bilang kaayaayang handog. Maging handa na sumunod sa Kanyang saan ka man Niya ginagabayan at sa anumang hiling Niya na gawin mo.
- Hingin ang gabay ng Panginoon sa Kanyang gawain sa iyong eskuwela o lugar ng trabaho. I-alay mo sa Kanya ang iyong trabaho at maging kinatawan ng Kanyang Kaharian.
- Magsikap ng maging mahusay sa eskuwela o sa trabaho--ginagawa ang lahat para sa kaluwalhatian ng Diyos.
- Manalangin para sa isang pamumuhay na sumusunod sa Salita ng Diyos at nagsasagawa ng ebangelismo at pagdidisipulo kung saan mayroon kang impluwensiya: pamilya, komunidad, lugar ng trabaho at bansa.
- Maglingkod sa iyong lugar ng trabaho, o komunidad (magsimula ng isang Bible study, mamuno ng oras ng pananalangin o gumawa ng mabuti sa lugar ng iyong trabaho o kapitbahayan).
- Hingin sa Panginoon ang Kanyang karunungan at gabay para magkaroon ka ng tagumpay sa iyong buhay; hayaan ang Banal na Espiritu na bigyan ka ng espirituwal na pagbabago, bagong kalakasan, at pagsisikap na makasunod sa Kanya ng tapat.
Pagtustos ng Diyos sa Pananalapi:
- Magkaroon ng oras para isuko sa Panginoon ang iyong mga alalahanin: panghihina ng loob, pag-aalala, pagkukulang, o takot na humahadlang sa iyong relasyon sa Diyos.
- Aminin na may mga oras na hinayaang mapangunahan tayo ng pag-aalala. Tayo ay magsisi sa mga oras na nagtiwala tayo sa ating sariling lakas o karunungan, sa halip na magtiwala sa Diyos higit sa lahat para sa ating mga pangangailangan.
- Hingin sa Panginoon ang katagumpayan sa pananalapi—manalangin para sa isang pusong naghahanap sa Kaharian ng Diyos higit sa lahat; hayaang gabayan ka ng Banal na Espiritu para ikaw ay maging mabuting tagapamahala ng Kanyang kayamanan.
- Manalangin para maging mas masayang nagbibigay ka ng iyong oras, kakayahan, at kayamanan para sa gawain ng Diyos sa iyong iglesya, pamilya, o komunidad o sinumang may pangangailangan sa mga sandaling ito.
Scripture
About this Plan
Sa 1 Cronica 29, inilarawan ni David ang kadakilaan, kapangyarihan, at grasya ng Diyos, maging ang kabutihang-loob Niya sa mga nananalig sa Kanya. Tayo na't tunghayan ang mga panalangin ni David at danasin ang pambihirang tagumpay mula sa Diyos, saksihan ang Kanyang mga himala, at tanggapin ang Kanyang mga sagot sa iyong dasal habang nagninilay sa Kanyang mga salita at kahanga-hangang gawa sa panalangin at pag-aayuno.
More