Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)Sample
Day 1: God's Love For Our Families
Basahin: Efeso 5:1-2, 15-21
1 Tularan nʼyo ang Dios dahil kayong lahat ay minamahal niyang mga anak. 2 Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Cristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Dios. 15 Kaya mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Huwag kayong mamuhay tulad ng mga mangmang kundi tulad ng marurunong na nakakaalam ng kalooban ng Dios. 16 Huwag ninyong sayangin ang panahon nʼyo; gamitin nʼyo ito sa paggawa ng mabuti, dahil maraming gumagawa ng kasamaan sa panahong ito. 17 Huwag kayong magpakamangmang kundi alamin nʼyo kung ano ang kalooban ng Panginoon na gawin ninyo. 18 Huwag kayong maglalasing dahil nakakasira ito ng maayos na pamumuhay. Sa halip, hayaan ninyong mapuspos kayo ng Banal na Espiritu. 19 Sa pagtitipon nʼyo, umawit kayo ng mga salmo, himno, at ng iba pang mga awiting espiritwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. 20 Lagi kayong magpasalamat sa Dios Ama sa lahat ng bagay bilang mananampalataya ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 21 Magpasakop kayo sa isaʼt isa bilang paggalang kay Cristo.
Isipin:
1. Ano ang dalawang turo ni Pablo – ang una ay nasa v1 at ang pangalawa ay nasa v2? Ano ang kanyang sinabi na maging basehan natin para isagawa ang kanyang mga turo? (vv 1-2)
2. Isulat ang mga pagsasalarawan kung paano tayo mamumuhay sa bawat araw (vv 15-21). Paano makikita ito sa inyong pang araw-araw na pamumuhay na kasama si Cristo?
3. Ano’ng mga gawain na sinabi sa mga talatang ito ang nahihirapan kang isabuhay? Ano ang mga dahilan kung bakit ka nahihirapan?
4. Karagdagang babasahin: Para sa mga asawang lalaki at mga asawang babae (Efeso 5:22-33); para sa mga magulang at mga anak (Efeso 6:1-4).
Isabuhay:
Ang pamumuhay nating kasama si Cristo ay posible lamang dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig sa atin. Kapag mas nauunawaan natin ang ginawa ni Jesus para sa atin, mas natutularan natin ang Kanyang halimbawang mahalin natin ang mga malalapit sa atin, kahit ito ay mahirap gawin. Hindi tayo makasusunod kay Jesus sa pamamagitan ng ating sariling lakas. Kaya’t kailangan tayong manalangin at hinging mapuspos tayo ng Banal na Espiritu para ibigin ang ating mga pamilya, maihayag ang Salita ng Diyos sa kanila, magpasalamat sa lahat ng sitwasyon, at may pagpapakumbabang magpasakop sa isa’t-isa.
1. Ano ang uunahin kong gawin para isabuhay ito sa aking pamilya? Paano ko ito eksaktong gagawin?
2. Paano ako aawit, magpupuri sa Panginoon at magpapasalamat sa Kanya sa mga sandaling ito? (Maari kang magbasa ng isang Salmo sa Kanya, umawit ng isang awit sa Kanya, at pasalamatan Siya sa maraming pagpapalang ibinigay Niya sa iyo at sa iyong pamilya.)
3. Mayroon bang isa sa aking pamilya o mga mahal sa buhay na mababahaginan ko ng pag-ibig ni Cristo? (Hingin sa Diyos kung sino sila at manalanging magkaroon ka ng isang pagkakataong makapiling sila.) IDADALANGIN KONG MAGKAROON NG ISANG PAGKAKATAONG MAKAUSAP SILA….
(BANGGITIN ANG PANGALAN NG BAWA’T ISA) Set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, and Time-bound (SMART) commitments
Halimbawa: “Maglalaan ako ng oras para makausap ang aking mga mahal sa buhay at gawin ang paborito nilang ginagawa sa susunod na linggo.”
Ipanalangin:
Hingin sa Diyos na gamitin ka bilang daluyan ng Kanyang pag-ibig sa iyong mga kaibigan, mga kamag-anak at mga miyembro ng iyong pamilya:
Maging tulad ni Cristo para sa iyong asawa, magulang, anak, miyembro ng pamilya, kaibigan at iba pa…
Gabayan ang aking pamilya at mga kaibigan sa mga kaparaanan ng Panginoon.
Maging puspos ng Banal na Espiritu para maipakita ang bunga ng pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili (Galacia 5:22-23).
Luwalhatiin at purihin ang Diyos sa lahat ng bagay, kahit sa gitna ng mga pagsubok sa ating pamilya.
Amining napapabayaan natin ang ating mga relasyon, hindi natin pinapansin ang mga salungatan sa relasyon, at wala tayong pagpapatawad sa mga taong nakasakit sa atin, lalo na ang ating pamilya.
Idalangin na sa linggong ito ay sadyaing masimulan ang pagabot sa isang miyembro ng pamilya, kamag-anak o kaibigan na kailangan mong makipag ayos.
Maglaan ng oras para sama-samang manalangin ang iyong mga mahal sa buhay: palakasin at pahalagahan ang mga mabuting gawain ng bawat isa.
Scripture
About this Plan
Sinabi sa atin ni Jesus na iisa lang ang malinaw at tamang paraan para makita ng mundo na tayo ay Kanya: PAGMAMAHAL. Lalo na ang pagmamahal sa ating kapwa. Pero gaano nga ba natin kamahal ang isa't isa?
More