YouVersion Logo
Search Icon

Ang ABKD ng Semana SantaSample

Ang ABKD ng Semana Santa

DAY 14 OF 20

P: Pagbubulay (reflection)

Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay. (Josue 1:8)

Tuwing Semana Santa, tayo’y inaanyayahang magbulay-bulay sa buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesus. Nawa’y sa gawain nating ito, lubos nating mapasalamatan ang Panginoon sa katotohanang hindi tayo kailanman magiging karapat-dapat sa grasyang ibinigay ng Diyos sa atin ngunit ito’y hindi naging hadlang para tayo’y tubusin pa rin Niya at ituring Niya bilang Kanyang mga anak.

Sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay sa Kanyang salita,, hindi natin malilimutang sumunod sa mga kautusan ng Panginoon dahil tayo’y Kanyang mga tagasunod. Dalangin din nating mas marami pa ang makarinig ng Magandang Balita na ito sa pamamagitan ng ating pagsasabuhay ng pagmamahal at mga salita ng ating Panginoon.

Scripture

Day 13Day 15