YouVersion Logo
Search Icon

Disiplina Sa EspirituwalSample

Disiplina Sa Espirituwal

DAY 3 OF 6

PAGSASANAY

1 Timoteo 4: 6 - 10


Maraming mga tao ang karaniwang pinagsasama ang dalawang uri ng ehersisyo kung nais nilang magbawas ng timbang at mapanatili ang kalakasan ng katawan. Ang una ay tinawag na "passive exercise," na tumutukoy sa pagpipigil sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa isang tiyak na diyeta. Ang pangalawa ay ang aktibong ehersisyo, na tumutukoy sa isang ehersisyo na magsusunog ng mga labis o sobrang "calorie" at taba. Ang pagsunod lamang ng isang ehersisyo ay hindi maaaring maging isang mabisang proseso gaya ng inaasahan natin

Ito din ang nangyayari sa ating espirituwal na disiplina. Ang Espirituwal na Disiplina ay bahagi ng ating pagsamba sa Diyos. Mayroong isang aktibong disiplina (ang disiplina ng paglahok, na tumutukoy mga bagay na ginagawa natin) at isang "passive" na disiplina (ang disiplina ng pag-iwas, na tumutukoy sa mga bagay na iniiwasan natin. Ang disiplina na ito ay tumutukoy din sa mga uri ng mga kasalanan na kinakaharap natin. Mayroong isang kasalanan ng pagsuway, na tumutukoy ng harapang paglabag sa mga utos ng Diyos (1 Juan 3: 4). Mayroon ding kasalanan ng kapabayaan, na tumutukoy sa mga aksyon ng pagwawalang bahala na gawin ang mabubuting gawa na dapat nating ginagawa (Santiago 4: 17).

Ang espirituwal na disiplina ay lubos na kapaki-pakinabang para sa ating kalusugang espirituwal. Lalakas tayo kapag malusog ang ating espiritu. Ang pokus ng ating buhay ay magiging tama, upang magbigay kaluguran sa Diyos. Ang disiplina na ito sa espirituwal ay mahalaga. Tutulungan tayo nitong harapin ang kasalanan ng kapabayaan. Sa kabilang banda, tutulungan din tayo sa pamamagitan ng disiplina ng pag-iwas kapag nakikipaglaban tayo sa ating mga kasalanan. Halimbawa, malulutas natin ang depresyon sa pamamagitan ng disipina ng pagsasaya at pasasalamat sa ating buhay. Kapag nakikipaglaban tayo sa kasakiman, maaari nating gawin ang pagbibigay. Sa kabaligtaran, kung nais nating magtsismis, matutulungan tayo sa pamamagitan ng disiplina na isara ang ating mga bibig. Kung nais nating palabisin ang mga bagay, matutulungan tayo sa pagsasanay o disiplina ng pagsasabi ng katotohanan.

Ang disiplina sa espirituwal ay isang paraan upang makamit ang ating layunin—ang layunin na maging malakas sa espirutuwal.  Ang layunin ng pagiging malakas sa espirituwal ay kapaki-pakinabang sa buhay na ito pati na rin sa buhay na darating.


Pagbubulay ngayon:

1. Kumusta ang ating kalagayang espirituwal? Malusog ba? Bakit?

2. Paano natin sasanayin ang ating kalakasang espirituwal?


Mga Dapat Gawin Ngayon:

Huwag subukang labanan ang kadiliman nang hindi binubuksan ang ilaw. Buksan ang ilaw at gamitin ito upang labanan ang kadiliman.


Day 2Day 4

About this Plan

Disiplina Sa Espirituwal

Kung paano dapat na lumaki ang ating pisikal na katawan ganoon din nais ng Diyos na lumago tayo sa ating espirituwal na buhay. Ang Salita ng Diyos ang ating pagkain at nutrisyon upang maging malago sa espirituwal. Tiyakin at disiplinahin ang sarili na kumain ng sapat at tamang nutrisyon ng Salita ng Diyos araw-araw upang ikaw ay umangat at lumago sa pananampalataya sa Diyos.

More