YouVersion Logo
Search Icon

Pagiging MagulangSample

Pagiging Magulang

DAY 2 OF 3

Ang maliit na alimango ay sumusunod lamang sa mga magulang nito


Nasa kaalaman ng lahat na ang mga alimango at maliliit na tulya ng parehong lahi ay naglalakad sa tinatawag ng mga bata na "patagilid" na paglalakad.

Sa isang punto, nagpasya ang iba pang mga isda na kailangan nilang turuan ang kanilang kapwa kung paano maglakad sa tamang paraan, ang lokomotibong paraan, na kung saan ay maglakad pasulong.

Kaya nagtayo sila ng isang Sunday school at nagtipon ng maliliit na alimango sa paligid nila upang turuan sila kung paano maglakad nang maayos. Sa pagtatapos ng unang araw, may mga progreso na nangyari, at pinauwi na nila ang mga mag-aaral matapos silang mangako na babalik sa susunod na Linggo

Dumating ang araw ng Linggo, at ang mga alimango ay nasa kani-kanilang lugar, subalit lumabas na lahat sila ay naglalakad patagilid, kasing sama ng dati.

Ang pagpupulong ng mga guro ay ginanap upang pag-usapan ang pinakamabuting bagay na dapat gawin. Ang problema ay mabilis na nalutas ng isang matandang isda, na gumawa ng sumusunod na maikling talumpati, "Kita n'yo, mga kapatid, nakontrol natin ang mga alimango na ito sa loob lamang ng isang araw. Subalit sa pag-uwi nila at  makita ang kanilang ama at ina ng anim na araw, ang impluwensya at halimbawa ng maling paglalakad sa loob ng anim na araw ay sapat na upang masira ang isang araw ng  ating ginawang mabuting bagay at katuruan ng tamang paraan ng paglakad."

- Mga kasalukuyang anecdote


Ang pinakadakilang guro ay hindi karanasan; ngunit ang halimbawa.

(John Croyle)


Mga Kawikaan 6:20

Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin, huwag mong tatalikuran, turo ng inang giliw.


Pagninilay:

Ang iyong komunidad at kaugnayan ay magkakaroon ng papel sa pagtukoy kung sino ka sa hinaharap. Ang nakikita, naririnig, at natutunan mo mula sa iyong mga kaibigan ay makakaapekto sa iyong pakikitungo sa iba. Anong uri ng relasyon ang mayroon ka ngayon? Ang maliit na komunidad na tinawag mong pamilya ay may malaking impluwensya sa iyo sa hinaharap.


Scripture

Day 1Day 3

About this Plan

Pagiging Magulang

Sa buhay ng isang pamilya, ang mga bata ay regalo mula sa Diyos. Ang mga ama at ina ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagbuo ng mga espiritwal na buhay ng mga bata at sa pagtuturo sa kanila ng mga mahalagang bagay sa buhay. Ang pagmuni-muni na ito ay makakatulong sa mga magulang na magbigay ng isang halimbawa at turuan ang kanilang mga anak na matakot sa Panginoon.

More