YouVersion Logo
Search Icon

Ang Aklat Ni MateoSample

Ang Aklat Ni Mateo

DAY 1 OF 7

ANG MAKAPAGLILIGTAS NA KAPANGYARIHAN NG DIYOS

Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat sa buong Siria kaya't dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga nahihirapan dahil sa iba't ibang karamdaman, mga sinasapian ng mga demonyo, mga may epilepsya at mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling (Mateo 4:24)

Ang Diyos ay dumating sa mundo at nilikha na katulad ng tao at ang Kanyang Pangalan ay tinawag na Jesus. Ang pangyayari noong si Jesus ay nabautismuhan ni Juan Bautista sa ilog ng Jordan ay isang palatandaan na Siya ay nagpakumbaba upang maging pantay sa tao.

Bakit handa ang Diyos na bumaba sa mundo? Maraming problemang kinakaharap ng tao at ang pinakamalaki ay ang kasalanan. Samakatuwid, Siya ay dumating sa mundo upang lutasin ito. Siya ay dumating upang iligtas tayo mula sa mga kasalanan sapagkat walang sinumang maaaring maglinis sa atin mula sa mga kasalanan. Siya ay dumating hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod. 

Habang nahaharap tayo sa maraming tukso mula sa diyablo, naharap din si Jesucristo dito. Matapos ang Kanyang bautismo sa tubig, si Jesus ay dinala sa ilang upang subukin. Ang pagsubok ay nauugnay sa mga pangangailangan sa pagkain. Maraming mga tao ang nasubok sa parte na ito ng buhay at pinili na iwanan ang kanilang pananampalataya alang-alang dito. Ang mga pagsubok ay para rin sa kayamanan, kapangyarihan, at kayabangan, at patungo sa lahat ng mga pagsubok na napagtagumpayan ni Jesucristo.

Ang tagumpay ni Jesus sa ilang ay naghanda sa Kanya upang maglingkod, magturo, magbahagi ng ebanghelyo, mapagtagumpayan ang lahat ng mga uri ng sakit, at muling buhayin ang mga patay. Ang kapangyarihan ni Jesucristo ay hindi lamang sa nakaraan kundi ito ay para din sa kasalukuyan. Si Jesucristo ay hindi nagbabago, magagawa Niyang pagalingin ang mga maysakit, iligtas ang mga tao mula sa pagkaalipin ng mga kasalanan at sa kapangyarihan ng kadiliman. Siya ang Diyos na makapangyarihan sa lahat ng mga bagay.

Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi nagbago kahapon, ngayon, at magpakailanman. Patuloy na umasa sa Kanya.

Day 2