Panibagong Simula | 5-Day Series from Light Brings FreedomSample
Mayroon nang nagmamahal sa'yo!
Mahal ka ng Diyos. Tinatanggap Niya sa Kanyang espirituwal na pamilya, ang lahat ng naniniwala at tumatanggap kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Ang pagsilang ay napakahalagang bahagi ng buhay. Tayo ay ipinanganak upang maranasan ang buhay sa mundo, at ganun din ipinapanganak tayo sa espiritu upang maranasan ang kaharian ng Diyos.
Posible ito.
Ang bagong kapanganakan sa espiritu ay posible lamang sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ito’y mangyayari kapag tayo’y maniniwala kay Jesus at sa Kanyang kamatayan, pagkalibing at muling pagkabuhay. Kailangan natin Siyang tanggapin bilang Tagapagligtas at Panginoon ng ating buhay.
Tayo ay nalilinis, pinapatawad, at pinagpapala dahil ang katuwiran ni Jesus ay ibinibilang na rin sa atin. Pinapalitan Niya ang lahat ng kasamaan natin at nagbibigay Siya ng bagong buhay!
Tandaan mo: Ang “ipanganak na muli” ay ang pagsuko ng ating puso at buhay kay Jesus, at binibigyan Niya tayo ng bagong espirituwal na buhay.
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Mabigyan ka ng muling pagsilang na espirituwal, gawing bago ang lahat.
- Bigyan ka ng bagong pangalan, bagong pagkatao, at bagong pagkakakilanlan bilang Kanyang anak.
- Kupkupin ka sa Kanyang pamilya.
- Bigyan ka ng napakagandang pamana ng buhay na walang hanggan sa langit.
Pag-isipan mo sumandali:
- Ano ang ibig sabihin ng “ipanganak na muli”?
- Ang ipanganak na muli ay Biblikal. Hindi ito sa pagiging bahagi ng isang organisasyon o sekta. Ito ay espirituwal na kapanganakan. Nais mo bang ipanganak na muli?
- Sinabi ng Biblia, “Wala na ang dating pagkatao – napalitan na ng bago.” (2 Corinto 5:17) Ano ang iyong “dating pagkatao”? Bilang isang Kristyano, ano ang iyong “bagong pagkatao”?
- Bilang kabahagi ng pamilya ng Diyos, tayo ay Kanyang tagapagmana. Ano ang “mana” na ating matatanggap?
Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
About this Plan
"Try again," daw, pero paano nga ba? Marami ang nagnanais ng panibagong simula sa buhay... pero hindi nila alam kung paano maumpisahan. Ito rin ba ang feeling mo? Samahan mo kami sumandali at pag-aralan natin kung paano makahanap ng kalayaan, lumakad mula sa kadiliman, ang kahulugahan ng ating mga choices, at ang pinakamahalaga sa lahat --ang bagong kapanganakan sa pamilya ng ating Mabuting Ama. (#1 in Light Brings Freedom series)
More