Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!Sample
"Kailangan Nating Lahat ng Tagapagligtas"
Noong nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, ginawa Niya ang mga ito nang walang kasalanan at nasa isang perpektong pakikipag-ugnayan sa Kanya. Noong sinuway nila ang utos ng Diyos sa ikatlong kabanata ng Genesis, naghatid ito ng kasalanan sa kanilang buhay, at sa buhay ng buong sangkatauhan. Inilalarawan ng Mga Taga-Roma 3:23 ang malawakang epekto ng desisyon nina Adan at Eba.
"...sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos." Mga Taga-Roma 3:23
Walang hindi saklaw ng kasalanan at ng epekto nito; ang lahat sa atin ay nagkasala. Dahil dito, lahat tayo ay nahiwalay sa Diyos. Ang ating kasalanan ay nagdulot din ng walang-hanggang bunga.
"Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan." Mga Taga-Roma 6:23a
Dahil sa desisyon nina Adan at Ebang suwayin ang Diyos, hindi nila kayang takasan ang kamatayan at maging lahat ng kanilang salinlahi (ang sangkatauhan); maging pisikal o espirituwal man. Pagkatapos ng kanilang pagbagsak, ang Diyos ay naharap sa isang desisyon: hayaan ang kasalanang tapusin ang landasin nito sa mga tao, na hahantong sa pagkalipol ng sangkatauhan, o magtakda ng kaparaanan na makapagliligtas sa tao mula sa pagkakahawak ng kasalanan sa kanila. Salamat na lang, bilang sukdulang pagpapahayag ng Kanyang pag-ibig at biyaya, nagtakda ang Diyos ng paraan ng kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Anak.
"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Juan 3:16
"...ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon."
Kapag nakahiwalay kay Jesu-Cristo, ang sangkatauhan ay nakatadhana sa pisikal at espirituwal na kamatayan; walang hindi makakasama rito. Ngunit para sa ating na kay Cristo, bagama't nariyan pa rin ang pisikal na kamatayan, ngunit ang espirituwal na kamatayan (ang Impiyerno) ay wala na. Sa halip, ang walang-hanggang buhay sa Langit ang naghihintay sa atin pagkatapos nating lisanin ang mundong ito. Sa pamamagitan ng ganap na sakripisyo ni Jesu-Cristo at sa Kanyang muling pagkabuhay, atin nang natakasan ang espirituwal na kaparusahan ng kasalanan!
Scripture
About this Plan
Maraming mga desisyon sa buhay ang mahalaga para sa isang bagay. Gayunpaman, isa lamang ang pinakamahalaga. Kung ikaw ay naghahanap ng isang simpleng gabay para sa mas malalim na kaunawaan ng di-pangkaraniwang desisyon na ito - ang libreng kaloob ng Diyos na kaligtasan - magsimula ka rito. Kinuha mula sa aklat na “Out of this World; A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.
More