YouVersion Logo
Search Icon

Live Without Fear (PH)Sample

Live Without Fear (PH)

DAY 1 OF 5

We, the Fearless!


Bilang tao, normal na makaramdam tayo ng takot, pero madalas hindi natin namamalayan na ikinukulong na tayo nito at unti-unting pinapatay ang liwanag ng pag-asa. Ang nakakakilabot dito, madalas na hindi natin alam na tayo’y namumuhay na pala sa takot at karuwagan.

Ano nga bang dapat gawin upang malabanan ang makamandag na lason na ito? Isa lang ang pinakamabisang panlaban sa takot.

Pananampalataya.
Pananampalataya kay Hesus.

Kung mamumuhay tayo sa pananampalataya at ibagsak ang takot, masasaksihan ng sanlibutan kung paano kumilos si Kristo sa ating buhay. Oras na para sa kilusan ng mga Kristyanong walang takot na ideklara ang Magandang Balita. Mga Kristyano mula sa iba’t ibang henerasyon, iba’t ibang lahi’t kulturang pinanggalingan ngunit iisa ang layunin. Ang dakilain ang Panginoon.

Tayo ang mga Kristiyanong iyon! Matatapang, magigiting, at malalakas ang loob dahil tayo ay may pagkakakilanlan kung kanino tayo nabibilang. Walang anumang sisindak ang pipigil sa Diyos dahil Siya ang namamayani at nag bibigay pag-ibig sa atin. Ang Kaniyang perpektong pagmamahal ay tinatagumpayan ang anumang takot na bumabalot sa ating mga puso. Wala mang kasiguruhan ang hinaharap, mayroon naman tayong kasiguruhan sa naglalatag ng daan sa ating patutunguhan.

Sinasabi sa Joshua 1:9, “Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go""

Bakit di mo simulang lakasan ang loob ngayon at ibahagi ang iyong pananampalataya? I-download ang yesHEis app pa ra magsimula!

Scripture

Day 2

About this Plan

Live Without Fear (PH)

Kung hindi ka napipigilan ng takot, ano kaya sa tingin mo ang itsura ng buhay mo ngayon? Gaano ka kalaki mangagarap? Magagawa mo na ba lahat ng nakasulat sa “bucket list” mo?? Nasubukan mo na bang mamuhay nang malaya sa chains ng FEAR? Kung mamumuhay tayo nang walang takot, masasaksihan nang marami ang kadakilaan ni Hesus sa atin.

More