YouVersion Logo
Search Icon

Marlon Molmisa: Young Christ-like MoversSample

Marlon Molmisa: Young Christ-like Movers

DAY 1 OF 7

The History Makers

Jesus Christ. Siya ang pinaka malupet na rebolusyunaryong nabuhay sa kasaysayan. He founded the world's largest spiritual movement on earth. Astig ‘diba? Kahit walang charm, yaman, at posisyon sa gobyerno, He made an impact to the needy, hopeless, and broken people. Malinaw ang kanyang adbokasiya- ang dalhin ang “kaharian ng Diyos” sa lupa at isalba ang ating makasalanang kaluluwa upang maging banal sa harap ng Diyos.

Nang mamatay Siya sa krus at bumalik sa langit, hindi natapos ang kilusan. Bumaba ang ka-tag team ni Jesus---ang Banal na Espiritu. He empowered the first disciples of Jesus to spread the message of hope to many parts of the world. At ngayon, binabasa mo na ang kinasihan o pinagpala Niyang mensahe – ang Bibliya. Sa puntong ito, sinasabi ni Jesus sa’yo: ‘Ikaw naman ang gagamitin Ko!’ Yes. . Hindi ka nagkakamali ng basa. Ikaw na kapatid. Ikaw na!

Hindi rin nagkakamali ang Diyos sa paghirang sa iyo. He has known you since you were conceived in your mother’s womb. He knows your name. Pati pangalan ng first crush mo, kilala niya. Alam niya ang bilang ng buhok mo. Alam niya ang kahinaan mo. Alam niya ang nilalaman ng puso mo. Hindi siya kailanman nagkakamali. Siguradong sigurado siya sa sinasabi Niya. He desires to use you. When Christ said 'I will make you fishers of men', never doubt it. Ang makapangyarihang Diyos na ang nagsabi niyan. He is in the business of using ordinary people for extraordinary things to glorify the extraordinary God!

However, you have to make a decision. Jesus said, 'Come, follow me.' 3As ang nakapaloob dito.

Una, approach God - Nagsisimula ang lahat sa paglapit. Huwag ka nang mahiya. Hindi ka naman Niya itataboy. Kung nais mong maganap ang kalooban ng Diyos sa iyong buhay, lumapit ka.

Pangalawa, admit and forsake your sins - Bago sumunod ang mga unang disipulo ni Kristo, iniwan nila ang kanilang lambat at bangka—simbolo ng buong buhay nilang pagsunod. Ang mga kasalanan ay parating nakatago sa mga bagay na hindi mo mabitawan para sa Diyos. Aminin at iwan mo na ang mga nakakapagpalayo sayo kay Lord.

Pangatlo, acknowledge Jesus as your Lord and Savior. Walang assurance na mala- bed of roses ang pagsunod kay Lord. Mahihirapan ka dahil marami Siyang tatapyasin sa iyong ugali at karakter. Sobrang sakit ng proseso ilang pagkakataon. Ngunit kung magdedesisyon ka na sumunod sa Kanya, Siya na ang bahala sa Iyo. He will prove to you that He is a friend who would journey with you and will control everything for your benefit. Just follow His will then see how Jesus can use you to make a relevant mark in this generation.

Scripture

Day 2

About this Plan

Marlon Molmisa: Young Christ-like Movers

Our world needs young Christ-like movers. You can be one of them. Habang busy ang ibang kabataan sa trip nila sa buhay, nandito ka, binabasa ang Youth Leadership Devotional na ito. Magandang choice yan! Decide to make an impact to our nation. Hawak mo ang susunod na henerasyon. God wants to use you to make His Name famous in our generation.

More

This plan was created by Marlon Molmisa. For more information, please visit: www.kuyamarlon.com