1
Mga Taga-Roma 9:16
Magandang Balita Bible (Revised)
Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao.
Comparar
Explorar Mga Taga-Roma 9:16
2
Mga Taga-Roma 9:15
Sapagkat ganito ang sabi niya kay Moises, “Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan.”
Explorar Mga Taga-Roma 9:15
3
Mga Taga-Roma 9:20
Tao ka lamang, sino kang mangangahas na sumagot nang ganoon sa Diyos? Masasabi kaya ng isang hinuhubog sa kanyang manghuhubog, “Bakit ninyo ako ginawang ganito?”
Explorar Mga Taga-Roma 9:20
4
Mga Taga-Roma 9:18
Kaya nga't kinahahabagan ng Diyos ang sinumang nais niyang kahabagan, at nagiging manhid ang nais niyang maging manhid.
Explorar Mga Taga-Roma 9:18
5
Mga Taga-Roma 9:21
Wala bang karapatan ang gumagawa ng palayok na bumuo ng mamahalin o mumurahing sisidlan mula sa iisang tumpok ng putik?
Explorar Mga Taga-Roma 9:21
Início
Bíblia
Planos
Vídeos