YouVersion logotips
Meklēt ikonu

GENESIS 3

3
Ang tukso at ang pagsuway ni Adam at ni Eva.
1 # Apoc. 12:9; 20:2. Ang ahas nga ay lalong #Mat. 10:16; 2 Cor. 11:3.tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?
2At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami:
3 # Gen. 2:17. Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay.
4At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay:
5Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.
6At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay #1 Tim. 2:14.pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain.
7 # tal. 5; Gen. 2:25. At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi.
8At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan.
9At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya'y sinabi, Saan ka naroon?
10At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako'y natakot, sapagka't ako'y hubad; at ako'y nagtago.
11At sinabi niya, Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy, na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin?
12At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain.
13At sinabi ng Panginoong Dios sa babae, Ano itong iyong ginawa? At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako'y kumain.
14At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, #Is. 65:25; Mik. 7:17.at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay:
15At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang #Juan 3:8; Gal. 4:4.iyong binhi at ang kaniyang binhi: #Rom. 16:20; Heb. 2:14.ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
16Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, #1 Cor. 14:34; Ef. 5:22, 24; Col. 3:18; 1 Tim. 2:11, 12.at siya'y papapanginoon sa iyo.
17At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na #Gen. 2:17.sinabi, Huwag kang kakain niyaon; #Rom. 8:20, 22.sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa #Job 5:7; Ec. 2:23.pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;
18Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang;
19Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: #Gen. 2:7.sapagka't ikaw ay alabok #Ec. 3:20; 12:7.at sa alabok ka uuwi.
20At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka't siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay.
21At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila'y dinamitan.
Pinalayas sila sa Eden.
22At sinabi ng Panginoong Dios, Narito't ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayo'y iunat ang kaniyang kamay #Gen. 2:9.at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man:
23Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya.
24Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga #Awit 104:4; Heb. 1:7.Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.

Pašlaik izvēlēts:

GENESIS 3: ABTAG

Izceltais

Dalīties

Kopēt

None

Vai vēlies, lai tevis izceltie teksti tiktu saglabāti visās tavās ierīcēs? Reģistrējieties vai pierakstieties