GENESIS 10
10
Ang Lahi ng mga Anak ni Noe
(1 Cro. 1:5-23)
1Ang mga ito ang mga salinlahi ng mga anak ni Noe: sina Sem, Ham, at Jafet: at sila'y nagkaanak pagkaraan ng baha.
2Ang mga anak ni Jafet: sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec, at si Tiras.
3Ang mga anak ni Gomer: sina Askenaz, Rifat, at Togarma.
4Ang mga anak ni Javan: sina Elisha, Tarsis, Kittim, at Dodanim.
5Sa mga ito nahati ang mga pulo ng mga bansa sa kanilang mga lupain, ang bawat isa ayon sa kanyang wika, sa kanilang mga angkan at mga bansa.
6Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Mizraim,#10:6 o Ehipto. Put, at Canaan.
7Ang mga anak ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama, at Sabteca; at ang mga anak ni Raama: sina Sheba, at Dedan.
8Naging anak ni Cus si Nimrod na siyang nagsimulang maging makapangyarihan sa lupa.
9Siya'y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon kaya't karaniwang sinasabi: “Gaya ni Nimrod na makapangyarihang mangangaso sa harapan ng Panginoon.”
10At ang simula ng kanyang kaharian ay ang Babel, ang Erec, ang Acad, ang Calne, sa lupain ng Shinar.
11Buhat sa lupaing iyon ay nagtungo siya sa Asiria at itinayo ang Ninive, Rehobot-ir, at ang Cale,
12ang Resen, sa pagitan ng Ninive at ng Cale na isang malaking bayan.
13At naging anak ni Mizraim#10:13 o Ehipto. sina Ludim, Anamim, Lehabim, at Naphtuhim,
14sina Patrusim, at Casluim na siyang pinagmulan ng mga Filisteo, at ang Caftoreo.
15At naging anak ni Canaan sina Sidon, na kanyang panganay, at si Het,
16at ang mga Jebuseo, Amoreo, ang mga Gergeseo;
17ang mga Heveo, Araceo, ang Sineo,
18ang mga taga-Arvad, Zemareo, Hamateo at pagkatapos ay kumalat ang mga angkan ng Cananeo.
19Ang hangganan ng lupain ng mga Cananeo ay mula sa Sidon, patungo sa Gerar, hanggang sa Gaza, patungo sa Sodoma at Gomorra, at Adma, at Zeboyin hanggang Lasa.
20Ito ang mga anak ni Ham ayon sa kanilang angkan, wika, mga lupain, at kanilang mga bansa.
21Nagkaroon din ng mga anak si Sem, na ama ng lahat ng mga anak ni Eber, na siyang matandang kapatid ni Jafet.
22Ang mga anak ni Sem: sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud, at Aram.
23Ang mga anak ni Aram: sina Uz, Hul, Geter, at Mas.
24Naging anak ni Arfaxad sina Shela; at naging anak ni Shela si Eber.
25Nagkaanak si Eber ng dalawang lalaki; ang pangalan ng una'y Peleg; sapagkat sa mga araw niya'y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kanyang kapatid ay Joktan.
26Naging anak ni Joktan sina Almodad, Shelef, Hazar-mavet, at si Jerah,
27sina Hadoram, Uzal, at Dicla,
28sina Obal, Abimael, at Sheba,
29sina Ofir, Havila, at Jobab. Lahat ng ito ay mga naging anak ni Joktan.
30Ang naging tahanan nila ay mula sa Mesha, patungo sa Sefar, na siyang bundok sa silangan.
31Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanilang angkan, wika, lupain, at bansa.
32Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe, ayon sa kanilang lahi, at bansa. Sa mga ito nagsimulang kumalat ang mga bansa pagkatapos ng baha.
Pašlaik izvēlēts:
GENESIS 10: ABTAG01
Izceltais
Dalīties
Kopēt
Vai vēlies, lai tevis izceltie teksti tiktu saglabāti visās tavās ierīcēs? Reģistrējieties vai pierakstieties
©Philippine Bible Society, 2001